McCoy de Leon, Elisse Joson clueless about John Estrada-Mylene Dizon confrontation

IMAGE Noel Mangalonzo

McCoy de Leon on his love team with Elisse Joson: "Wala namang dapat ika-worry sa akin. Hangga't nandun yung saya sa trabaho, yung passion sa pagtatrabaho, walang problema. Hangga't mayroong opportunities na dumarating, may mga blessings na dumarating, ang sarap nilang i-cherish, tatanggapin ko lahat yun."


Wala raw alam sina McCoy de Leon at Elisse Joson sa napabalitang iringan sa pagitan ng co-stars nila sa The Good Son na sina John Estrada at Mylene Dizon.

Ayon sa mga lumabas na ulat, sinampal diumano ni Mylene si John dahil may sinabi raw ang aktor na hindi niya nagustuhan.

Ang insidenteng iyon daw ang dahilan kung bakit pinatay na ang karakter ni John sa prime time series ng ABS-CBN.


Stories We Are Tracking

John Estrada strongly denies physically hurting Mylene Dizon
John Estrada strongly denies physically hurting Mylene Dizon
John Estrada gets support from wife Priscilla, friend Derek
John Estrada gets support from wife Priscilla, friend Derek

Nang tanungin tungkol dito, parehong clueless ang magka-love team na sina McCoy at Elisse.

Sabi ni McCoy, “Wala kaming idea, nabigla din kami na may ganung issue.

“Siguro nasa istorya naman talaga na ganun talaga ang mangyayari. Wala sigurong koneksiyon dun.”

Ayon naman kay Elisse, “Ako, wala akong alam at all. Ngayon ko lang narinig ‘yan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sina McCoy at Elisse sa grand launch ng Star Magic Coffeetable Book noong Linggo, March 4, sa 9501 restaurant ng ABS CBN.

STILL A LOVE TEAM. Nilinaw nina McCoy at Elisse ang pangamba ng kanilang mga tagahanga na baka buwagin na ang tambalan nila.

Ito ay matapos aminin ni Elisse sa panayam niya sa isang episode ng Magandang Buhay na may pinagdadaanan ang team-up at relasyon nila ni McCoy.


Stories We Are Tracking

Elisse Joson hints at love trouble with McCoy de Leon
Elisse Joson hints at love trouble with McCoy de Leon

Pahayag ng dalaga, “Siguro na-misinterpret lang nila yung words ko.

“Pero ang sinabi ko lang naman sa Magandang Buhay, na bawat team-up naman, relationship, hindi naman laging masaya, di ba?

“Normal naman yun, it’s nothing na hindi namin malalagpasan.”

Ayon naman kay McCoy, “Sa akin, sa pagiging ready sa ganun, sa bawat pagkakataon, dapat pinaplano lahat.

“Bawat isa sa atin may kanya-kanya tayong reason, pero wala naman sa amin.

“Nakakapagtrabaho naman kami nang maayos. Sa bawat shoot, maganda naman yung flow.”

Paniniguro pa ng binata, “Hindi namin ile-let down yung mga naniniwala sa amin.”

Wala rin daw dapat ipag-alala ang sumusporta sa McLisse loveteam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Elisse, “Kami naman, habang may ibinibigay sa aming trabaho, we’re here to do our best.

“We’re here to still improve as much as na kung gusto pa rin nila kaming mag-partner.”

Dagdag ni McCoy, “Sa akin naman, wala namang dapat ika-worry sa akin.

“Hangga’t nandun yung saya sa trabaho, yung passion sa pagtatrabaho, walang problema.

“Hangga’t mayroong opportunities na dumarating, may mga blessings na dumarating, ang sarap nilang i-cherish, tatanggapin ko lahat yun.”

Kumusta ang samahan nila ngayon? May mga pagbabago ba?

Sagot ni McCoy, “Sa akin, ganun pa rin.

“Bawat opportunity, sinasamantala namin, sayang, e.

“Para sa akin, hindi lahat ng artista, nabibigyan ng ganitong pagkakataon.”

Sabi naman ni Elisse, “Same din. We’re here now, starting, hindi naman namin sasayangin whatever we have.”

THE GOOD SON. Masaya sina McCoy at Elisse sa magandang feedback na natatanggap ng kinabibilangan nilang teleserye, ang The Good Son.

Pakli ni Elisse, “Habang tumatagal, nagugustuhan nila yung episodes.

“Masaya na mapabilang sa isang proyekto tulad nito.”

Pagpapatuloy ni McCoy, “Worth it lahat ng pagod, hirap, puyat, grabe talaga!

“Bawat eksena talaga, hindi madali, mabigat lahat talaga.

“Lalo na yung mga susunod na eksena, mas matindi.”

Sa kabila na mga beterano at mahuhusay ang mga aristang kasama nila sa teleserye, wala naman daw sapawang nangyayari. 

Ayon kay McCoy, “Bawat karakter, may sariling pinanggalingan, so nasa iyo na lang kung paano mo isa-shine yun, kung paano mo papalalimin.”

Dagdag naman ni Elisse, “Bawat artista, binibigyan ng kanya-kanyang spotlight.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN