Sharon Cuneta answers negative reactions to her TV ratings post

IMAGE Noel Orsal

Sharon Cuneta (center) explains why she chooses to support her "baby" Liza Soberano's (left) ABS-CBN teleserye over the show of her close friend Carmina Villarroel (right) airing on GMA Network.  


Nag-react ang ilang netizens sa Instagram post ni Sharon Cuneta kung saan pinaghambing ang mga rating ng magkatapat na programa sa prime time: Bagani ng ABS-CBN at Kambal Karibal ng GMA-7.

Base sa datos ng ratings provider na Kantar TV noong March 5, ang Bagani ay nakakuha ng 35.5% samantalang ang Kambal Karibal ay nakakuha lamang ng 15.2%.

Ang Bagani, na nag-premiere noong March 5ay pinangungunahan nina Enrique Gil at Liza Soberano.

Tampok naman sa Kambal Karibal, na mahigit tatlong buwan nang nasa ere, sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara.

Caption ng Megastar sa kanyang post: "(For 'World Peace' and so Orcs (yung mga monsters sa Lord of the Rings!) do not get the chance to make intriga again:) Waaaaaahhh!

"LIZQUEN!!!Congratulations!!! YAAAAAAN ang ratings! Galing! At humble pa mga artista mo at marunong magpakumbaba pag binebless ni Lord!

"I Love you Lizaaaaaaaa!!!!!!"

Naka-tag dito ang ilan sa executives ng ABS-CBN, gaya nina Charo Santos-Concio, Olivia Lamasan, at Malou Santos.

Si Sharon ay nakakontrata sa Kapamilya network at isa sa coach ng talent search na The Voice of the Philippines.

NETIZENS REACT. Ilang netizens ang nag-react sa post na ito ni Sharon.

Tanong ng isang netizen, hindi ba't mahal din ni Sharon si Carmina Villarroel, na kasama sa cast ng Kambal Karibal?

Sumagot dito ang Megastar.

Aniya, "super duper naman. Pero kaya ko s'ya lab parehong malawak pag-iisip namin."

Dagdag ni Sharon, alam niyang nauunawaan siya ni Carmina kung ang mas sinusuportahan niya ay ang teleserye ni Liza.

“Baby ko si Liza at iisang station kami eh. Alangan din naman manood si Mina ng Show ko pag may katapat sa station nila, maiintindihan ko yun.”


May komento rin si Sharon para sa mga bitter sa ginawa niyang post.

Defensive daw ang iba kaya hindi mapigilang mag-react.

Komento pa ng 52-anyos na Kapamilya actress-TV host, “Di na lang clap clap sa ratings ng Bagani at S2P.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para pag sila naman may mataas na ratings clap clap din mga tao. Masa mag-isip."


Ang S2P ay acronym sa Kapamilya daytime teleserye na Sana Dalawa Ang Puso, kung saan bida ang dating leading man ni Sharon na si Robin Padilla.

May netizen pang nagtanong kay Sharon kung may problema dahil sa kanyang post.

Paglilinaw ni Mega, "walang problem. Meron mga magaling gumawa ng problem mula sa wala. Kaya di maayos-ayos mga bastos kasi.”


 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN