Dani Barretto appeals to critics to stop negativity after introduction of youngest sister

IMAGE Courtesy: @danibarretto on Instagram

Masayang-masaya raw ang pamilya ni Dani Barretto ngayong naipakilala na nila sa publiko ang kanyang bunsong kapatid na babae. Nakikiusap din siyang huwag nang haluan ng intriga ang tungkol sa kapatid. 


Masaya raw ang kanilang buong pamilya ngayong naipakilala na sa publiko ang pinakabunso sa kanilang magkakapatid.

Ito ang inamin ng travel and lifestyle blogger na si Dani Barretto matapos ipakilala ng inang si Marjorie Barretto sa publiko ang bunso nilang kapatid na babae, sa pamamagitan ng Instagram, noong February 25.


Stories We Are Tracking

Marjorie Barretto introduces youngest daughter to public
Marjorie Barretto introduces youngest daughter to public

Sa ulat ng ABS-CBN News Online ngayong Biyernes, March 9, inamin ni Dani na naisip na nilang magiging kontrobersiyal ang paglantad sa bunsong kapatid dahil tiyak itatanong ng netizens kung sino ang ama nito.

Kasunod nito, nakiusap ang panganay na anak ni Marjorie na huwag na lang haluan ng negativity ang kasiyahan ng kanilang pamilya.

Si Dani ay anak ni Marjorie sa dati nitong boyfriend na si Kier Legaspi.

Pahayag ni Dani, "If we choose to keep it to ourselves for a while, it's our business already.

“Pero if we choose to share it now, i-enjoy niyo na lang the moment with us, with my baby sister.

"Huwag niyo nang lagyan ng negative energy kasi napakaganda ng bata na iyon.”

My everything. ????: @andreabeldua

A post shared by Danielle (@danibarretto) on

Bagamat hindi pa nila ibinahagi kung ano ang pangalan ng bunsong kapatid, itinuturing daw nila itong "little princess."

Ayon kay Dani, "It's about time for the world to get to know her cause she's the best.

"Siya iyong light ng buhay namin ngayon at gusto namin iyong i-share."

Sinabi rin ni Dani na malaki ang naidagdag na saya ng kanilang bunso sa kanilang magkakapatid.

Ang iba pang mga kapatid nila na sina Julia, Claudia, at Leon ay mga anak ni Marjorie sa dating asawa nitong si Dennis Padilla.

Our little princess. ???? Show her all the love she deserves ????

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto) on

??Her happiness makes me smile, ????:me??

A post shared by Leon Barretto (@theleonbarretto) on

Sabi ni Dani, “Our last baby was Leon and Leon is 14 years old now.

"So this is the time na lahat kami magkakapatid ay nag-i-enjoy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN