Heart Evangelista disables comment section of photo with Jericho Rosales's wife Kim Jones

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Heart Evangelista (right) posts a photo of her with Kim Jones (left), wife of Heart's ex-boyfriend, Jericho Rosales. But in this particular social media post, Heart turned off the comments section. 


Nagpaliwanag si Heart Evangelista kung bakit naka-disable ang comments section ng Instagram post niya ng larawang magkasama sila ni Kim Jones.

Si Kim ay asawa ng ex-boyfriend ni Heart na si Jericho Rosales.

Kasal na ngayon si Heart kay Senator Chiz Escudero.

Noong Huwebes, March 8, na tumapat sa International Women’s Day, nag-post ang Kapuso actress sa Instagram ng picture niya kasama si Kim at ang celebrity stylist na si Liz Uy.

Bahagi ng caption ni Heart: “I'm grateful that my work allows me to collaborate with such talented women.”

Naka-disable ang comments section ng post na ito kaya hindi pwedeng mag-comment ang netizens.

Sa sumunod na post ni Heart, isang netizen ang nagtanong bakit disabled ang comment section ng larawan niya kasama sina Kim at Liz.

Sagot ng aktres: “Because I will not allow faceless accounts trash something so positive.”


Malinaw na tinutukoy ni Heart ang patuloy na pang-iintriga sa kanilang tatlo nina Jericho at Kim. 

January 2018 nang unang i-post ng aktres ang parehong larawan sa Instagram, subalit kaagad niya itong binura.


Stories We Are Tracking

Heart posts photo with Jericho's wife
Heart posts photo with Jericho's wife


Nakaagaw pansin din noong December 2017 ang nag-viral na larawan kung saan makikitang nag-uusap sina Heart at Jericho sa isang event. 

Sa mga sumunod na interviews, nagsalita ang dalawa tungkol sa pagkikita nila at sa kanilang nakaraan. 

Sinabi rin ni Heart sa isang interview late last year na itinuturing niyang "greatest love" si Jericho. 


Stories We Are Tracking

Heart Evangelista reunites with Jericho Rosales
Heart Evangelista reunites with Jericho Rosales
Jericho opens up about viral photo with Heart
Jericho opens up about viral photo with Heart

Nag-break sina Heart at Jericho noong 2008 pagkatapos ng three-year relationship.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN