Sofia Andres explains bad behavior during interview: "I had personal issues."

by Arniel C. Serato
Mar 9, 2018
Umapela si Sofia Andres sa bloggers na bigyan siya ng isa pang pagkakataon upang makilala siya ng mga ito. 

Muling humingi ng paumanhin si Sofia Andres sa bloggers na nagalit sa kanya dahil sa kanyang inasta sa ilang events na dinaluhan ng mga ito.

Sa panayam sa baguhang artista kay DJ JhaiHo sa Hotspot show ng ABS-CBN sa Facebook, sinabi niyang may “personal issues” siya noong mga panahong yun.

Paliwanang ng Bagani actress, “First of all, I want to say sorry, and I mean it even if I really look like I don’t mean it…

“And if I don’t smile, parang they think I’m really suplada.

"During that time, I had a personal thing. I had personal issues.

"And it was really my bad. And I'm really, really sorry about it.

“I was using my phone, it feels like I disrespected them, and I promise na it won’t happen again.”

Noong March 6, tinuligsa ng ilang bloggers si Sofia sa hindi raw magandang pakikitungo nito sa kanila.

Nag-ugat ito sa isang tweet ng Kapamilya actress noong February 18 na, "Too tired to be too nice.”

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Kinastigo rin si Sofia ng dating presidente ng Philippine National Press (NPC) club na si Benny Antiporda dahil sa hindi raw nito magandang pakikitungo sa kanyang anak noong nagsisimula pa lang ang Kapamilya talent sa showbiz.

STORIES WE ARE TRACKING

“I’M JUST CRAZY SOMETIMES.” Umamin din si Sofia na mayroon siyang mga kabaliwan minasan.

Huwag daw nilang isiping masama ang ugali niya

Ayon sa 19-year-old actress, “And I hope that they can forgive me and not to make it a big deal because… uhm, let’s just be positive.

“I mean, I’m just crazy sometimes. I have my…

"Huwag naman nila isipin na I’m that bad, kasi people here know me for who I am.

“Kung sila, kung hindi pa nila ako ganun kakilala, I hope na bigyan nila ako ng chance to introduce myself properly and to make it up to them.”

Sa tingin ba niya misunderstood lang siya noong mga panahong yun?

Diretsong sagot niya, “Always, always, always.”

Continue reading below ↓

Ano naman ang natutunan niya sa pangyayari?

Saad ni Sofia, “Siguro, when it’s work, work.

“Kasi, I had my phone. I’ve been using my phone during the interview, so now I’ve learned.

“I mean, just be focus, kasi during that… I had issues.

"Pag kunyari, personal, personal. If it’s like work, then work. Ganun lang.

"I didn’t expect that they would make it a big deal, and use it against me. And yun lang.

“I’m sorry, I’m sorry you all guys.”

Read Next
Read More Stories About
Sofia Andres
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Umapela si Sofia Andres sa bloggers na bigyan siya ng isa pang pagkakataon upang makilala siya ng mga ito. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results