Mark Zambrano and Aicelle Santos target April 2019 for their wedding

IMAGE Mark Zambrano Instagram

Mark Zambrano on fiancée Aicelle Santos: "Thankful lang ako na, you know… this time around, parang hindi na ako naghanap, e. Parang ibinigay na lang sa akin. And she's the right person, yun lang ang pinagpapasalamat ko."


Wala pang eksaktong date, pero malamang na sa April 2019 ganapin ang kasal ng GMA News reporter na si Mark Zambrano at ng singer-actress na si Aicelle Santos.

Pahayag ni Mark, “Kasi, she’ll be back by March of next year.

“So, ang challenge nito, we’ll be planning the wedding separately nito.

“Yung legwork nito, malamang na ako na mag-aayos.”

Ngayong buwan ay lilipad si Aicelle patungong London para maging bahagi ng UK touring group ng Miss Saigon.

Ayon pa sa GMA News reporter, matagal na nilang naplano ang pagpapakasal, pero napaaga lang ang pagpu-propose niya dahil matutuloy na si Aicelle sa Miss Saigon.

Nag-propose si Mark kay Aicelle noong sa Straight Up Bar ng Seda Hotel Vertis North noong March 7.

Saad niya, “Kaya ko naisip, kasi nga marami na kaming plans na hindi solid for this year.

“Pero dahil sa nakuha siya sa UK tour ng Miss Saigon, medyo mahihiwalay kami nang matagal-tagal. E, minimum ng 10 months to a year yun.

“So, sabi ko sa sarili ko, ayokong umalis siya na hindi ako makapag-propose.

“Dahil sa opinyon ko nga, siguro pag nag-propose ako, lalong lalakas yung loob niya being there by herself sa UK, ganun.

“Siyempre, panghahawakan na rin niya yun na here’s a man waiting for her pagbalik niya. Kaya medyo mapaaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa programang Showbiz Talk Ganern ng DZRH kagabi, March 8.

PERFECT NIGHT. Parang nasa cloud 9 pa raw si Mark dahil unti-unti pa lang nagsi-sink in sa kanyang engaged na siya.

Pagbabahagi niya, “Medyo emotional na kaming dalawa, kasi nandun sila lahat, may blessing ng family namin.

“Talagang it was a perfect night for both of us.

“Nakalimutan ko lahat na dapat sabihin ko, e, yung nag-uumapaw yung emotions mo.” 

Napangiti naman si Mark nang tinanong namin kung gaano kamahal ang engagement ring na ibinigay niya kay Aicelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinasadya raw niya yun dahil paborito ni Aicelle ang bulaklak na sunflower. Kaya sunflower ang shape ng bato kung saan may diamonds ang leaf at ang flower.

Sa ngayon ay ini-enjoy nilang magkasintahan ang ilang araw na narito sa Pilipinas si Aicelle dahil nakatakda na itong lumipad pa-London sa March 22.

Magbi-beach daw sila at sasamahan niya si Aicelle sa pagdalawa sa kanyang lola sa Batangas.

Baka bigyan daw si Aicelle ng ilang linggo bakasyon sometime in July o August.

Pero sa December ay pupuntahan daw ni Mark si Aicelle para panoorin.

Nakatakda raw mag-perform ang Miss Saigon sa Zurich, Switzerland sa buwang iyon.

Doon na raw nila ipa-finalize lahat ng detalye sa wedding.

Baka sa beach daw gawin ang kanilang Christian wedding, na simple lang basta makakadalo ang buong pamilya at malalapit nilang kaibigan.

Sabi pa ni Mark, “Ang personality kasi namin, hindi masyadong formal, e, Yung relaxed lang, yung ganun, e.”

THANKFUL. Nagpapasalamat si Mark sa Diyos na dumating si Aicelle sa buhay niya nung panahong ang buong akala niya ay magiging bachelor na lang siya.

Naniniwala siyang ibinigay si Aicelle sa kanya ng Diyos sa tamang panahon.

“To be honest, bago ko siya na-meet, sabi ko magiging bachelor na lang ako for life.

“Kasi pagod na ako. Parang inabot ko na yung ganung stage.

“Hindi na ako nagdi-date nun. I don’t go out that much, kasi wala na, e.

“Thankful lang ako na, you know… this time around, parang hindi na ako naghanap, e.

“Parang ibinigay na lang sa akin.

“And she’s the right person, yun lang ang pinagpapasalamat ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN