Mariel de Leon clarifies answer about her Binibining Pilipinas 2018 bets

IMAGE Instagram photo of Leo Dominguez

Mariel de Leon on having different bets in Binibining Pilipinas 2018: "Just because other people have different 'bets' doesn't mean they think yours isn't worthy. All the candidates there are worthy. That's why they're there."


Dinepensahan ni Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon ang naging sagot niya nang tanungin kung sino ang mga bet niyang kandidata sa Binibining Pilipinas 2018.

Sa ulat na inilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Martes, March 6, sinabi ni Mariel tungkol sa mga kandidata ngayong taon, “I like a good underdog.

“Ayoko yung pinaka-popular… I like the dark horse, I think, as they say.”

Hindi naiwasan ng ilang netizen na bigyang kulay ang pahayag ni Mariel.

Isa sa pinakamalakas na kandidata sa Binibining Pilipinas ngayong taon ay si Miss World-Philippines 2016 Catriona Gray, na hindi nabanggit ni Mariel sa kanyang mga napupusuang manalo.


Stories We Are Tracking

Mariel de Leon reveals her choices for Bb. Pilipinas 2018
Mariel de Leon reveals her choices for Bb. Pilipinas 2018

Sa pamamagitan ng Twitter, nilinaw ni Mariel na wala siyang sinumang pinatutungkulan sa sagot niya sa panayam ng ilang reporters kamakailan.

Aniya, “Funny how people immediately assume I was talking about a specific candidate. Hello??? I wasn’t.

“To add to that though, just because other people have different 'bets' doesn’t mean they think yours isn’t worthy.

"All the candidates there are worthy. That’s why they’re there.”

Sa kanyang sumunod na tweet, tila may pahaging din si Mariel sa mga pumuna sa kanya.

Aniya, “Simple lang. Wag sensitive.”

Iminungkahi ni Mariel sa kanyang bashers na sa halip na maging negatibo, magbigay-tulong na lang sa mga taga-Marawi.

“Anyway! Maybe instead of spreading useless comments and negativity, you can donate clothes/underwear/food/water/hygiene kits to the people of Marawi.

“Focus your energy on something good for once in your life.

“Maybe then, you’ll feel true happiness.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN