Heart Evangelista sets impressive record in upcoming exhibit

IMAGE iamhearte on Instagram

Heart Evangelista to lie low from showbiz to focus on what she and husband Senator Chiz Escudero really want—their first baby.


Kinumpirma ng isang malapit kay Heart Evangelista-Escudero na pahinga muna sa showbiz ang aktres dahil sa plano niya na magbuntis ngayong 2018 sa panganay nila ng kanyang asawa na si Senator Chiz Escudero.

Bukod sa serious plan na pagbubuntis, naka-focus ang atensyon ni Heart sa Love Marie, In Full Bloom, ang first solo exhibit niya para sa 2018.

Ang ArtistSpace ng Ayala Museum ang venue ng In Full Bloom na mag-uumisa sa March 27 at matatapos sa April 12, 2018.

Sinabi ng isang kaibigan ni Heart na mapapansin sa In Full Bloom ang malaking pagbabago sa mga artwork ng aktres na “bolder at nonchalant” na ang approach sa kanyang mga painting.

“Maybe it’s because I think I’ve found myself,” ang paliwanag ni Heart tungkol sa mga pagbabago ng kanyang mga artwork na napansin ng mga tao sa paligid niya.

“I’m so much more comfortable with myself that, with every decision I make, I can go all out,” ang dagdag na pahayag ni Heart na may impressive record na sold-out agad ang paintings niya bago pa man magsimula ang kanyang mga exhibit.

Malaki ang impluwensya ni Heart kay Senator Chiz dahil nag-aaral na rin ito na magpinta.

Ang critically-acclaimed painter na si Ivan Roxas ang mentor nina Heart at Chiz sa pagpipinta.

Ang Cerebral Palsy Association of Sorsogon, Balikatang Thalassemia, at Corridor of Hope ang mga beneficiary ng Love Marie, In Full Bloom.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN