Why Vice Ganda does not engage with bashers anymore

IMAGE Instagram

Vice Ganda says he used to engage with bashers but realized being optimistic with his posts on social media is a better approach.


Inamin ni Vice Ganda na dati ay pumapatol siya sa mga basher online, subalit tinigilan na niya ito.

Aniya, wala rin daw mabuting naidudulot ito kaya mas pinili na lang niyang maging positibo pagdating sa kanyang mga posts.

“Dati pumapatol din ako pero hindi rin naman ako... parang sabi ko wala rin namang magandang naidulot sa 'kin kaya 'wag na lang,” lahad ng It's Showtime host sa panayam ni Marie Lozano para sa "Star Patrol" ng TV Patrol.

Ayon pa sa 42-anyos na comedian-host, karamihan sa bashers ay kaunti lamang ang followers kaya naisip niyang mas malaki ang impact ng kung ano man ang kanyang ipo-post.

“Maraming nagpo-post nang pangit pero iilan lang naman ang followers nila, kaya feeling ko mas makapangyarihan ang ipo-post ko dahil malawak yung reach niya kasi.”

Kaya naman mas minanarapat ng Unkabogable Star na maging positive influence pagdating sa online world.

“Ginagamit ko yung social media ko para pakalmahin sila at punuin lang ng positivity yung kung ano lang yung nababasa nila do'n sa mga feeds ko.

“Hindi ako naglalagay ng anything negative.”

Dahil milyun-milyon ang followers ni Vice, walang duda na isa siya sa mga malaki ang impluwensiya sa social media.

Sa kasalukuyan, mayroong 10.6 million followers si Vice sa Twitter at 5.9 million naman sa Instagram.


Stories We Are Tracking

Vice Ganda to fantards: Ginagawa niyo bobo yung mga artista
Vice Ganda to fantards: Ginagawa niyo bobo yung mga artista


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN