Joshua Garcia calls Julia Barretto "my love" in birthday message

IMAGE Instagram

Joshua Garcia calls rumored girlfriend Julia Barretto "my partner, my fan, my friend, my bestfriend and my love."


Very romantic ang birthday message ni Joshua Garcia sa kanyang rumored girlfriend na si Julia Barretto na nagdiriwang ng ika-21st birthday nito ngayong Sabado, March 10.

Ipinost ng Kapamilya actor ang kanyang birthday greeting sa onscreen partner via Instagram kagabi.

“Happy birthday to my partner, my fan, my friend, my bestfriend, and my love. Someone I love was born today. I wish you all the happiness in life, I will be here for you and I will protect you. Happy birthday baba! Alabu.”

Hindi pa direktang inaamin nina Joshua at Julia kung magkarelasyon na ba sila, subalit very vocal ang dalawa sa pagpapahayag ng damdamin at pagmamahal nila sa isa't isa sa mga interview.

Nag-post din ng mga pagbati kay Julia ang kanyang mga malalapit na kaibigan via social media, kabilang na si Erich Gonzales via Instagram Story at gayundin ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia na malapit na kaibigan ng Kapamilya actress.

Tinawag pa ni Gabbi na "one of the realest ones in the industry" si Julia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN