Rolly Quizon suffers stroke, comatose in hospital

by Jojo Gabinete
Mar 11, 2018
Rolly Quizon's family asks for prayers for him. Rolly suffered a stroke and is now in a coma in a hospital in Quezon City.

Dasal para sa paggaling ng former actor na si Raul “ Rolly “ Quizon ang hinihiling ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Kasalukuyang naka-confine at comatose si Rolly sa isang ospital sa Quezon City, dahil nagkaroon siya ng stroke habang nasa isang supermarket noong Biyernes, March 9, 2018.

Ayon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) source, nahilo at biglang natumba si Rolly. Luckily, dumating ang girlfriend niya dahil sa supermarket ang meeting place nila.

Umaga kahapon, March 10, sumailalim si Rolly sa surgery para ma-drain ang blood clot sa ulo niya.

Fourteen years old si Rolly nang mag-umpisa ang acting career niya noong 1973 sa sitcom na John En Marsha at nanalo siya ng best actor award para sa kanyang performance sa controversial movie ni Vilma Santos, ang Burlesk Queen na official entry sa 1977 Metro Manila Film Festival.

Si Rolly ang anak na bunso ng Comedy King na si Dolphy sa unang live-in partner nito, ang former actress na si Gracita Dominguez.

Continue reading below ↓

Half-brother ni Rolly si Dino Quizon, ang 45-year-old son ni Dolphy na pumanaw sa U.S. noong nakaraang linggo dahil sa heart ailment.

May plano ang pamilya ni Dino na ipa-cremate ang kanyang bangkay at iuwi ito sa Pilipinas.

Read Next
Read More Stories About
dolphy
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rolly Quizon's family asks for prayers for him. Rolly suffered a stroke and is now in a coma in a hospital in Quezon City.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results