Kapuso star Gabbi Garcia on Kapamilya actress Julia Barretto: "One of the realest ones in the industry..."

IMAGE file / @_gabbigarcia on Instagram

Pinatunayan nina Gabbi Garcia ng GMA-7 at Julia Barretto ng ABS-CBN na hindi balakid ang kinabibilangang istasyon sa kanilang pagkakaibigan. 


No-network-war friendship.

Ito ang pinatunayan ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia at ng Kapamilya actress na si Julia Barretto.

Nitong nakaraang Sabado, March 10, nag-celebrate ng kanyang ika-21 kaarawan si Julia.

Sa pamamagitan ng Instagram, binati siya ng matalik na kaibigang si Gabbi.

Sabi ng Sherlock Jr. actress, “To one of the realest ones in the industry and in life. happy birthday, love @juliabarretto.”


Magkaklase sina Gabbi at Julia sa high school.

Mula noon, hindi nila napag-usapan ang tungkol sa magkalabang istasyong kinabibilangan.

Sabi pa ni Gabby sa kanyang panayam noon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "partners in crime" sila ni Julia.

"Sabay kaming nag-cram para lang maka-graduate kami kasi hectic sked, like, tinawid talaga namin just to graduate high school.

“Nag-summer pa nga kami para makabawas ng load, e.

“’Tapos sabay din kaming nag-end kasi nagpa-late kami, kasi nga yung sked namin busy.

“So, ganun talaga. Kami talaga yung partners in crime nung high school,” pahayag ng Kapuso star.


Stories We Are Tracking

The no-network-war squad of Gabbi Garcia and Julia Barretto
The no-network-war squad of Gabbi Garcia and Julia Barretto


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN