Sharon Cuneta: "Mataray ako talaga, sobra!"

IMAGE Allan Sancon

Megastar Sharon Cuneta says she can be "mataray" if the situation calls for it. 


Masamang magalit ang isang Sharon Cuneta.

Ito ang pahayag ng Megastar sa komento niya matapos siyang purihin ng isang netizen tungkol sa kanyang kabaitan.

Nitong weekend, nag-post ang 52-year-old actress-singer tungkol sa mga taong judgmental.

Caption ni Sharon sa kanyang Instagram post: “Ang kabutihan ng puso at kagandahang-asal ay ang madadala mo hanggang kamatayan.

"Sayang at maraming tatanda at kukulubot na nga sa labas na kaanyuan, bulok pa ang puso kahit buhay pa.

"Maraming padasal-dasal at pasimba-simba, pero pagdating sa paghusga at pananakit sa puso ng kapwa, parang di naniniwalang may Diyos.”

Comment naman ni @zten_edaj_mmobagets, “buti ikaw mother @reallysharoncuneta very kind have a big heart at obese na yata puso sa sobrang kabaitan..magsungit ka nman wahahah joke!!sa movie lang un taray tarayan effect mo..”


Sumagot ang Megastar.

Paglilinaw niya, masama siyang magalit, na kahit daw siya ay nagugulat pag umiinit ang kanyang ulo.

“Mataray ako talaga, sobra!

“Pero lumalabas lang pag kailangan.

“Pati ang pamilya ko di pa nasisilayan best friend ni Hulk pag nagalit eh!

“Kuya at Mommy ko nakita na, naku sobra pigil at yakap sa 'kin. Nagulat. Pati ako! Hahahahaha!

“Masama magalit ang mabait. Pag naputol ang pasensya...magiging nickname ng kaaway ko manny. Short for manananggal. Kasi hahatiin ko katawan nya ng biglaan.

“Tapos pag nahimasmasan nakalimot na - 'Ay ano nangyari bakit may patay? Naku baka nandyan pa yung killer! At bakit ang dugo nasakin lahat?!!!!!'"



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN