Pia Wurtzbach considers Catriona Gray, Michele Gumabao "strong candidates" for Bb. Pilipinas titles

IMAGE Nerisa Almo

Pia Wurtzbach on Binibining Pillipinas 2018 candidates: "I keep saying this every year, 'Bakit every year, ang daming magaganda talaga?' Parang kulang pa nga yung mga crowns para dun sa mga girls."


Natutuwa si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa mga pagbabagong nangyayari sa Binibining Pilipinas.

Sa ginanap na press conference ng pelikula nila ni Gerald Anderson, ang My Perfect You, kahapon, March 11, nabanggit ni Pia na nag-upgrade na ang prestihiyosong beauty pageant sa Pilipinas.

“Ngayon, mas may time akong mag-follow.

“Natutuwa ako na sobrang nag-upgrade na talaga ang Binibining Pilipinas,” sabi ng Pinay beauty queen.

Ilan sa mga nabanggit niyang pagbabago ay ang pagkakaroon ng kalayaang magdesisyon ng mga kandidata sa kanilang susuotin sa pageant.

“Puwede nang magsariling gown, na dati hindi puwede.

“Ang ganda na rin ng mga swimsuits nila, ang ganda ng mga photo shoots nila, nagpo-photo shoots na sila ng out-of-town.

“Natutuwa naman ako na umiikot yung mga girls.”

At higit sa lahat, ayon kay Pia, “I keep saying this every year, 'Bakit every year, ang daming magaganda talaga?'

“Parang kulang pa nga yung mga crowns para dun sa mga girls.”

UPGRADE THE CROWN. Sa mga kandidata ngayon, matunog na matunog ang mga pangalan ni dating Miss World-Philippines Catriona Gray at ng volleyball star na si Michele Gumabao.

Dahil mas nakakatutok na si Pia ngayon sa local beauty pageants, alam din daw niya ito.

Sa palagay niya, malaki ang tsansa ng dalawang makasungkit ng korona sa Binibining Pilipinas.

Sabi ni Pia, “It's just a matter of what title they're gonna get.

“But definitely, they're very strong candidates, I know that.

"And I know that they will do very well.”

Samantala, sa darating na Linggo, March 18, kokoronahan na ang bagong batch ng Pinay beauty queens sa Binibining Pilipinas.

Para sa mga mananalo, may isang hiling ang ikatlong Miss Universe ng Pilipinas.

“I guess, yung last request ko na lang siguro... hindi naman ako yung masusunod.

“Last na request na lang din siguro ng taong-bayan, sana makakita naman tayo ng mga bagong crowns this year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When I mean crowns, literally the crown. Maybe it's time to upgrade the crown.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN