Jessy Mendiola reveals getting depressed because of body-shaming

IMAGE Instagram (@senorita_jessy)

Jessy Mendiola opens up about having been bullied and body shamed: "I started hating myself, at times even thinking I was a bad person for having 'thunder thighs'."


Nakaranas daw ng depresiyon si Jessy Mendiola nang punahin ng ibang tao ang kanyang “katabaan” at tinawag siya ng kung anu-anong masasakit na salita.

Ito ang inamin ng Kapamilya actress sa kanyang Instagram post ngayong Lunes, March 12.

Ayon kay Jessy, maganda ang tingin niya sa sarili nang itanghal siyang FHM’s Sexiest Woman noong 2016.

Pero hindi raw pala sexy ang tingin sa kanya ng ibang tao.

Kalakip ng post ay ang before-and-after photo ng ABS-CBN actress nang mas mabigat pa ang timbang niya at nang pumayat siya.

“When I won FHM’s sexiest woman in 2016, I thought... finally, people appreciate my efforts and my body.

“But I was wrong. I was bullied, body shamed with bashers calling me names like ‘pata, baboy, taba, etc.’”

Dinamdam daw niya nang sabihin ng ibang tao na mas deserving ang mga kalaban niya para sa titulo dahil mas payat at sexy ang mga ito kesa sa kanya.

“I felt really down and started losing my confidence.

"I loved myself then (big thighs, belly rolls and round face) but when people started pointing out my flaws, I started hating myself, at times even thinking I was a bad person for having ‘thunder thighs’.

“I stopped working out, I got depressed, binge ate my feelings off and started gaining more weight than I should.”

Hanggang sa mapagtanto raw niyang hindi niya kailangang paapekto sa iniisip ng iba tungkol sa kanyang itsura.

“I thought of myself as sexy, strong and beautiful in my own way.

“I started building myself up again despite what other people say (until now they call me names) and have lost 15 lbs since.”

Hindi man siya sexy sa paningin ng iba, ang mahalaga raw ay ang tingin niya sa sarili.

“I still see myself as the 'pata girl' and it’s okay, it is just a matter of perspective.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"When I decided to shift perspective, everything started falling into place.

“I may not be the sexiest for others, but I am sexy and beautiful for myself, that alone is enough.

“Shout out to every 'pata girl' out there, just keep going. Love yourself, love your body and it will love you back.

"TRUST ME. #thunderthighs #patagirl#pataislife #pataforevs"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN