Mariel de Leon draws flak over "scripted" comment on Bb. Pilipinas candidate Catriona Gray

IMAGE Instagram

Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon (left) defends herself against bashers following her criticism on Binibining Pilipinas 2018 candidate Catriona Gray (right).


Ayon kay Mariel de Leon, magkaiba ang constructive criticism sa simpleng pamba-bash.

Ito ang nilalaman ng tweet ng Bb. Pilipinas-International 2017 kahapon, March 11, pagkatapos makatanggap ng pamba-bash mula sa netizens dahil sa naging komento niya kay Binibining Pilipinas 2018 candidate Catriona Gray.

Base ito sa in-upload na video clip sa Instagram account na @misssphilippines, kung saan mapapanood na nagsasalita si Catriona tungkol sa kanyang strength.

Pahayag ng kandidata, na kinoronahan bilang Miss World Philippines noong 2016, “My strength is that I’m an empathetic.

"I feel everything very strongly, and I find that when I sing through music, it helps me connect to people…”

Pagkatapos nito ay nagkomento si Mariel, na isa sa panel sa workshop na iyon.

Sabi ni Mariel kay Catriona, “I really love your confidence and the way you speak, but sometimes it seems just a tiny bit scripted.”

Magkahalo ang mga komento sa naturang video, pero mas marami ang bumatikos kay Mariel.

Sinagot naman ito ni Mariel sa pamamagitan ng Twitter kahapon.

Sabi ng beauty queen-actress, “If you’re not open to constructive criticism, then you’re not open to truly growing as a person.

"And yes, there is a difference between constructive criticism (to help someone grow) and bashing.”

Kasunod nito ay nag-tweet din si Mariel makahulugang mensahe tungkol sa fans.

Aniya, “I believe what fans say or do to others are a reflection of the person they admire/are rooting for. Remember that.”

Ni-retweet din ng anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong ang isang tweet tungkol sa constructive criticism.

Bahagi ng tweet: “I'm for constructive criticisms. If you really love me, let me know what I may have been doing wrong. I prefer you help me grow and improve rather than accept me blindly.”

Isa pang makahulugang tweet ang ginawa ni Mariel ngayong gabi, March 12.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Spectators talk more than the players. See, even she knew it was edited wrong just to stir the pot. That wasn’t all that was said. Case closed. All love & positivity from now on.”

Mas marami man ang bumatikos kay Mariel, mayroon din namang nagtatanggol sa dalaga.

Komento nila, constructive ang pahayag ng beauty queen at para ito sa ikabubuti ni Catriona bilang beauty pageant candidate.

Isa si Catriona sa mga paboritong kandidata sa Binibining Pilipinas ngayong taon.

Nang lumaban siya sa Miss World noong 2016 ay nakaabot siya hanggang sa Top 5.

Si Mariel naman ay kinatawan ang Pilipinas sa Miss International ngayong taon, ngunit nabigo siyang makapasok sa semifinalists.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN