Bianca Umali denies undergoing cosmetic surgeries: "It's all natural."

IMAGE Noel Orsal

Kapuso actress Bianca Umali credits working out and managing food intake for her curves.


Pinagtawanan lang ng Kapuso young actress na si Bianca Umali ang usap-usapang nagparetoke diumano siya ng mukha at katawan.

May ilang netizens kasi ang nag-comment na sobrang tangos ng ilong ni Bianca na para raw niretoke ito.

Sabi ng Kambal Karibal star, “It’s all natural.

“Hindi ko alam kung paano nila nasasabi yun, but I am confident and I am proud na it's all natural.

“Everything I have, siguro yung sinasabi nilang magandang katawan ko, pinaghirapan ko yun, inaalagaan ko yun.”

Kailan lang ay nag-viral ang Instagram post ni Bianca kung saan naka-black bikini siya sa isang beach sa Sorsogon.

Inintriga pa ang 22-inch waistline ni Bianca na para raw dumaan ito sa liposuction.

??????????

A post shared by Bianca Umali (@bianxa) on

Ngunit ipinagdiinan ng 18-year-old actress na na-achieve niya ang kanyang katawan ngayon dahil sa disiplina at tamang workout sa gym.

Nagsimula raw mag-gym si Bianca nang gawin niya ang telefantasyang Mulawin Vs. Ravena noong 2017.

Simula nun ay naging part na ng lifestyle ni Bianca ang pagwo-workout.

Aniya, “I have a trainer. Aside from that, of course, discipline sa workout and sa food na ini-intake ko.

“Madalas ko pong makasama sa gym ang mga fitness buddies ko na sina Miguel Tanfelix, Rodjun Cruz, at Marco Alcaraz.”

Patuloy ng young actress, “Kapag wala sila kapag nagwo-workout ako mag-isa minsan, ang lungkot.

“Kapag kasama ko sila, kapag kasabay ko yung coach ko, which is si Coach Dan, iba yung drive.

“Mas marami akong nagagawa. Mas naeengganyo akong mag-workout.” 

Humarap si Bianca sa media noong March 10, sa GMA Network Center, para sa kanyang nalalapit na 18th birthday party na Simply Bianca.

Gaganapin ang kanyang debut sa EDSA Shangri-La Hotel, Quezon City, sa March 17.

GOING DARING? Nilinaw rin ni Bianca na ang pag-post niya ng photo na nakasuot ng bikini ay hindi nangangahulugang magpapaka-daring na siya.

“There are comments na parang, ‘Uy, porke't nag-18 na, post na agad ng ganyan, nagpapakita na siya ng katawan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman po ganun iyon.

“Ang nangyari po kasi, nagkataon lang na I turned 18 and then we were at the beach, 'tapos nagandahan po ako sa photo kong iyon, kaya ipinost ko sa Instagram.

“Para po sa akin, it’s just a regular photo na ipo-post ko sa Instagram.

“I never thought na bibigyan nila ng ibang interpretation ang photo kong yun."

Kuwento pa ni Bianca, “We were in Sorsogon kasi ikinasal yung kapatid ko.

“Since nasa beach po kami, proper place naman yun to wear a swimsuit.

“Wala po akong balak to pose for a men’s magazine or to be daring sa mga next project ko. Wholesome pa rin po ako.

“Isang photo lang naman po iyon na naka-bikini ako at salamat nang marami sa mga nag-like at nag-post ng magagandang comments.” 

DETAILS OF DEBUT. Dahil malapit na ang debut party niya, punong-abala si Bianca sa preparations nito—mula sa pagpili ng imbitasyon, sa pagkain, sa souvenirs, at sa magiging hitsura ng gown niya.

Tatlong gowns daw ang isusuot ni Bianca sa kanyang party at ang gumawa ng mga ito ay ang Dubai-based Pinoy designer na si Fay Reyes.

Ni-recommend daw kay Bianca ang designer na ito ng kanyang personal stylist na si J.P. Dizon.

Kuhang-kuha naman daw ni Fay ang gustong style ni Bianca sa kanyang debutante gown.

Ayaw magbigay ng anumang detalye si Bianca sa hitsura ng kanyang gown.

Gusto niyang maging sorpresa ito sa kanyang party.

Kuwento niya, “Yung design po ng gown, matagal ko na yung gusto.

“Ilang taon kong itinago po yung design kasi yun po ang dream gown ko ever since.

“Nasabi ko po sa sarili ko na kapag may pagkakataon na magkaroon ako ng malaking debut party, iyon ang design na gusto ko sa gown ko.

“Kaya happy ako na nagkatotoo po lahat ng pinangarap ko para sa debut ko,” saad ni Bianca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw nga raw sanang magkaroon ng big celebration ni Bianca dahil hindi siya sanay na mag-party tuwing birthday niya.

“Yung huling time na nag-party po ako, I was 7 years old pa. Sa isang fastfood po iyon.

“Nandoon pa ang daddy ko.

“After that, hindi na po ako nagse-celebrate nang malaki on my birthday.

“Mga simpleng dinner lang with family and close friends.”

Sabi pa ni Bianca, “Kaya ito pong debut party ko, gusto ko rin naman, kasi minsan lang maging 18 ang isang tao.

“So, i-celebrate na natin nang maganda at maayos with the people na nagpakita ng suporta at pagmamahal sa atin.”

Wala na raw mahihiling pa si Bianca para sa sarili niya.

Ang birthday wish na lang niya ay para sa ibang tao, lalo na sa mga kinabibilangan niyang charity work tulad ng World Vision, kunsaan ambassador for the youth sila ng ka-love team niyang si Miguel Tangelix. 

Gayundin para sa proyekto na “Pass-A-Book Ni BiGuel” kunsaan hinihiling nila ni Miguel sa kanilang social media followers na mag-donate ng pre-loved books para sa pagbibigyan nilang public schools.

Ani Bianca, “Marami pa po akong gustong natulungan, lalo kung involved ang mga bata.

“After ng debut party ko po, mag-charity work po ako para makapag-share ako ng blessings ko.

“It’s my way po of saying ‘Thank you’ kay Lord sa mga natanggap kong blessings sa mga nagdaang taon.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN