Kris Bernal on why she would never sacrifice her life for a man: "Ang daming lalaki diyan!"

IMAGE John Fontanilla

Kris Bernal says she is not in a hurry to settle down. She said during her guest appearance on DZBB's Walang Siyesta, "Ang dami ko pang gustong mangyari sa career ko. Parang ang dami ko pang gustong gawin."


Inamin ng Kapuso actress na si Kris Bernal naranasan na niyang magmakaawa sa isang taong nang-iwan sa kanya.

Naranasan na rin daw niyang makipagtalo sa kanyang mga magulang, manager, at kaibigan para lamang maipaglaban ang lalaking kanyang minamahal.

Pagbabahagi ni Kris, “Ganun naman ako sa love.

"Pagdating sa love, ipaglalaban ko talaga, lalo na kapag gusto ko talaga."

Ngunit may limitasyon naman daw ang dalaga.

Kung love life ang pag-uusapan, hindi raw niya ibubuwis ang kanyang buhay para sa pag-ibig.

“Ang daming lalaki diyan!” natatawang sabi ng 28-year-old actress.

“Pero siguro for my family, siguro kung ganun ka-intense yung love ko.

"Iba kasi pag family, e. Siyempre willing ako to die for them.

“Pero for a loved one na, alam mo yun, hindi naman sa hindi worth it, pero alam mong there’s still life after losing someone.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa programang Walang Siesta ng Super Radyo DZBB noong Biyernes, Marso 9.

Naikuwento pa ni Kris na happy at in love ang kanyang puso ngayon dahil merong nagpapakilig sa kanyang isang non-showbiz guy. ‎

Pero nilinaw niyang hindi naman siya nagmamadaling magpakasal.

Aniya, “Siguro ang dami ko pang gustong mangyari sa career ko.

“Parang ang dami ko pang gustong gawin.

"Gusto ko yung Mr. Right ko, maiintindihan niya na kung gusto ko pang gawin 'to, gusto ko pang gawin.”


Stories We Are Tracking

Kris Bernal admits dating businessman
Kris Bernal admits dating businessman
Kris Bernal travels to Iceland with rumored boyfriend
Kris Bernal travels to Iceland with rumored boyfriend


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN