Tony Labrusca defends Kisses Delavin from bashers over loveteam issue

IMAGE Mark Atienza

Tony Labrusca on being part of Star Magic Circle 2018: "At first, kinakabahan ako kasi di ko alam kung iku-compare na naman kami sa ibang artista. I think, sometimes, showbiz makes people feel that it's always a competition. I'm a little bit nervous about that aspect."


Walang magiging problema kay Tony Labrusca kung matuloy ang pagiging magka-love team nila ng kapwa Star Magic artist na si Kisses Delavin.

Puro magagandang salita nga ang binitawan ng binata tungkol sa dalaga.

Pahayag ni Tony sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Actually, alam ninyo, sobrang bait ni Kisses as a person, grabe yung values niya.

“Kinukuwento niya sa akin, sobrang pagod na siya, [but] she has to remain happy for her fans.

“Nagagawa niya talaga.

“I mean, I was watching her during her final dress rehearsal for her concert, sobrang bilib ako sa kanya.

“At eighteen years old, she’s working so hard for herself, for her family, for her career."

Dagdag niya, “If I was to be paired up with Kisses... nakatrabaho ko na si Kisses, sobrang saya, e. 

“Sobrang saya pag magkasama kami. I can only hope that we have more projects together.”

All the stars aligned ?

A post shared by Tony Labrusca (@tony.labrusca) on

LOVE TRIANGLE? May usap-usapan ding love triangle daw ang mangyayari, kung saan ipapareha si Kisses sa kanilang dalawa ni Donny Pangilinan.  

Sabi ni Tony tungkol dito, “Actually, wala pang official statement kung ano talaga ang gustong gawin ng management.

“Pero if ever we’re reaching a point in time here in Philippine showbiz that there won’t be official love teams, I believe that’s a start of really something amazing.

“Dun din matututo ang mga fans na di mo kailangang i-bash ang mga third wheel, di mo kailangang i-bash ang artista kung i-partner sa ibang artista din.

“I feel it will be a great thing if me and Donny both get to work with Kisses.”

Kaugnay nito, may ilang fans ang nangba-bash kay Kisses dahil sa posibilidad na maging dalawa ang ka-love team niya, sa kabila ng pagiging baguhan pa lang nito.

Pagtatanggol naman ni Tony, “I feel like, guys, it’s not Kisses' fault.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s really the management who decides this kind of thing.

“At the end of the day, she’s only doing her job, and she’s a lovely girl, so I hope you guys don’t get too hard on her.”

STAR MAGIC CIRCLE. Isa si Tony sa mga inilunsad bilang miyembro ng Star Magic Circle 2018.

Para sa iba, hindi na raw dapat isinama si Tony rito dahil hindi naman na siya baguhan kung tutuusin.

Pagkatapos niyang sumali sa Pinoy Boyband Superstar ay nakasama siya sa cast ng nagtapos nang teleserye na La Luna Sangre.

Ayon kay Tony, maging siya ay nagulat nang isali siya sa mga talent ng Star Magic na ilulunsad.

“At first, kinakabahan ako kasi di ko alam kung iku-compare na naman kami sa ibang artista.

“I think, sometimes, showbiz makes people feel that it’s always a competition.

“I’m a little bit nervous about that aspect.

“Pero ngayon, I’m starting to think that, you know what, sobrang laki ng opportunity na ito na ilu-launch ako ng Star Magic.

“Napaka-blesssed ko na binibigyan ako ng chance ng ABS,” saad ni Tony.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN