Talo sa Miss International Queen 2018 ang nag-iisang Philippine representative na si Carla Marie Madrigal.
Hindi niya nasundan ang tagumpay nina Kevin Balot at Trixie Maristela, ang winners ng Miss International Queen crowns noong 2012 at 2015, respectively.
Hindi nakatulong kay Carla Marie ang pagsusuot niya ng Darna costume sa Miss International Queen competition.
Ang singer na si Nguyen Huong Giang ng Vietnam ang nanalo ng korona ng international beauty contest para sa transgender women ngayong taon.
Ginanap ang Miss International Queen 2018 sa Tiffany Show’s Theatre sa Pattaya, Thailand, noong March 9.
Kung may Pilipino na napansin sa coronation night ng Miss International Queen 2018, ito ay ang self-proclaimed King of Catwalk na si Sinon Loresca.
Nakuha ni Loresca ang atensiyon ng lahat dahil bihira silang makakita ng balbas-sarado at maskuladong lalaki na revealing gown at high-heeled shoes ang suot.
Inulit ni Loresca ang kanyang gimmick sa Tiffany Show’s nang magpunta siya sa Siam Paragon, isa sa popular high-end mall sa Bangkok, Thailand.
"Probably the best thing that’s ever happened at Siam Paragon," ang opinyon ng isang online news site sa Thailand tungkol sa pagrampa ni Loresca sa busy area ng Siam Paragon.
Nakilala si Loresca dahil sa kanyang mga online video na naging instrumento para kunin siya bilang co-host ng Eat Bulaga.
Nasangkot sa kontrobersiya si Sinon dahil sa pananakit umano sa kanyang personal assistant at sa gay couple na sina Drew Fernandez at Farhad Shukurov sa insidenteng nangyari noong December 30, 2017 sa isang bar sa Pasig City.