Toni Gonzaga not privy to relationship of former co-stars John Lloyd Cruz and Ellen Adarna

IMAGE Noel Orsal

Hindi pa raw nakakausap ni Toni Gonzaga ang leading man niya sa Home Sweetie Home na si John Lloyd Cruz mula nang umalis ang aktor sa show. Ayaw raw kasi niyang pag-isipang nakikitsismis lamang siya. 


Huling nakausap ni Toni Gonzaga ang dating co-star sa Home Sweetie Home na si John Lloyd Cruz noon pang September 2017.

Kasunod nito, nagbakasyon na si John Lloyd kasama ang co-star nilang si Ellen Adarna sa Bantayan Island sa Cebu.

Mula noon, lalong lumakas ang bulung-bulungang may relasyon ang dalawa.

Ayon kay Toni, “I personally wasn’t able to talk to him and text him, because I know that there was so much more going on with the media.

"And, you know, they were feasting on the issue, on what’s going on.

"So I didn’t wanna add anything to it, na parang ayoko nang makitanong na baka isipin para akong nakikitsismis or nakiki-eavesdrop.

“So, alam mo yun, minsan dahil nakatrabaho ko na rin naman siya nang napakatagal na panahon, na parang gusto kong ibigay sa kanya yung time na yun.”

Pero may napansin ba siyang kakaiba sa ikinikilos nina John Lloyd at Ellen sa set ng show nila?

Tugon ni Toni, “Hindi ako magaling sa ganyan, e.

"Siguro kung asawa ko, in real life, parang may mararamdaman ako.

“Pero siyempre, hindi mo naman asawa, katrabaho mo lang, so hindi ka ganun ka-conscious at hindi ka ganun ka-sensitive sa mga ganung bagay.”

Nabalitaan ba niya ang tungkol sa pagbubuntis ni Ellen at si John Lloyd ang ama? Ano ang naging reaksiyon niya?

Saad ng TV host-actress, “Oo, nakikita, nababalitaan ko.

"Ako, ano, wala akong maku-comment, honestly.

“Parang pag tinatanong ako ni Paul [Soriano, asawa niya], ‘Anong masasabi mo?’ ‘Hindi ko alam, e, kasi wala talaga akong alam.’

“In the beginning, I wasn’t informed.

"I wasn’t given like a heads up na there was something going on.

“So, wala akong masasabi na makakadagdag o makakabawas sa sitwasyon.

"So, I really cannot say anything."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Toni sa set ng Home Sweetie Home kahapon, March 13.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong nagli-level up na ang relasyon ng mga dating kasamahan sa trabaho—magkakananak na sila at malapit na rin daw magpakasal—masaya ba si Toni para kina John Lloyd at Ellen?

Tugon niya, “Ako naman, I always celebrate people who are in love, who are together, and who are happy, so we just celebrate love.”

Nasa ika-anim na buwan na ngayon ang ipinagbubuntis ni Ellen.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father
Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father

Napabalita ring nagpakasal na diumano ang dalawa noong February 2018, ngunit wala pang nakakapagpatunay dito.


Stories We Are Tracking

John Lloyd-Ellen rumored wedding: Did it really happen?
John Lloyd-Ellen rumored wedding: Did it really happen?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN