Ogie Alcasid laughs off wife Regine Velasquez's meme on Billy-Coleen prenup shoot

IMAGE Noel Orsal / @reginevalcasid on Instagram

Ogie Alcasid on wife Regine Velasquez's meme on Billy Crawford and Coleen Garcia's outfit in their prenup shoot: "Yung unan nila sa set, yun yung [katulad nung] damit ni Billy."


Hindi raw naintindihan noong una ni Ogie Alcasid ang tungkol sa mga post ng kasamahan niya sa It’s Showtime na si Billy Crawford.

Kasunod ito ng pagkalat ng prenup shoot ni Billy at ng fiancée niyang si Coleen Garcia sa Simien Mountains sa Ethiopia.

Lumabas kasing maraming kaparehong prints ng tela ang ginamit sa mga kasuotan nila sa prenup shoot.

Ilan sa mga ito ay unan, bag, sofa, at bedsheet.

Dahil dito, si Billy na mismo ang nag-post sa kanyang Instagram account ng memes tungkol dito.

Isa sa mga nai-repost niya ay ang larawan ni Regine Velasquez, kung saan yakap nito ang isang unan na katulad ng telang isinuot ni Billy sa prenup shoot.


Stories We Are Tracking

Billy Crawford returns digs at his prenup shoot with jokes
Billy Crawford returns digs at his prenup shoot with jokes

Humahalakhak na reaksiyon dito ni Ogie, “Nung una, hindi ko naintindihan!

“Actually, hindi ko muna nakita yung post ni Regine. Ang nakita kong post, yung kay Billy.

“Sabi ko, ‘Ano ba 'to?’

“Yun pala, pinagtatawanan na niya yung sarili niya, which is good, you know.

“And then, kagabi [March 12], dahil galing ding taping si Regine, pag-uwi niya, tawa nang tawa yung asawa ko.

"Kasi yung unan nila sa set, yun yung [katulad nung] damit ni Billy.

“So, I think it’s fun.”

Parang namiss ko si @billycrawford miss you friend ????????????

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

Binatikos ng netizens ang prenup shoot nina Billy at Coleen dahil “offensive, inappropriate, insensitive” diumano ang paggamit nila ng Ethiopian women and kids bilang background.


Stories We Are Tracking

Billy, Coleen draw flak over
Billy, Coleen draw flak over "offensive" pre-nup photos

Humingi naman ng dispensa ang dalawa at ipinaliwanag ang kanilang panig sa isyu.


Stories We Are Tracking

Billy, Coleen on prenup photos:
Billy, Coleen on prenup photos: "We meant no harm."

SUPPORTIVE FATHER. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie sa set visit ng Home Sweetie Home sa ABS-CBN compound noong Martes, March 13.

Si Ogie ang bagong karakter na madadagdag sa lumalaking pamilya ng sitcom na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga, Rufa Mae Quinto, at Piolo Pascual.

Noong nakaraang Linggo naman, March 11, pormal nang inilunsad bilang bahagi ng Star Magic Circle 2018 ang panganay na anak ni Ogie na si Leila Alcasid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Very proud si Ogie sa achievement na ito ng anak nila ng dating asawa na si Michelle Van Eimeren.

Saad niya, “Oo nga. I wasn’t there, e, pero nakikita ko naman sa social media.

“Well, nakita ko naman na nag-e-enjoy siya. Nakikita ko na pursigido yung bata.

“Very passionate din, meron siyang… like, sa music video niya, meron siyang sariling concept.

“Sa paggawa ng kanta niya, meron siyang sariling idea how it was going to be arranged, how it’s going to sound like.

“Hindi ako nakialam, sabi ko, ‘This is your craft, you do it. I will just guide you.’”

Naiyak daw siya dahil nakita niya ang pagpupursige ni Leila na makilala sa sarili nitong talento.

Saad ni Ogie, “I’m not surprised na maganda yung kinalabasan ng kanyang song, for a newbie, nag-number one siya sa Spotify, viral siya sa Spotify, that’s a big thing.

“Ako nga, hindi ako umaabot sa ganun, e.

"So, you know, kaya nung presscon niya, naiyak ako.

"Sabi ko, ‘It’s your turn, it’s your time to shine.' Alagaan niya ‘yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN