Iñigo Pascual on Maris Racal: "Every time I'm with her, pure happiness!"

IMAGE Noel Orsal

Iñigo Pascual is busy with his showbiz career and studies… and Maris Racal. So, how long have they been together, one year, two years? "Wala kaming kinu-confirm or anything," he says, evading the question.


Pinagsasabay ngayon ni Iñigo Pascual ang pag-aaral at ang showbiz career niya.

Kumusta naman silang dalawa ni Maris Racal, may oras pa ba sila para sa isa’t isa?

Tugon ng binata, “We’re not putting expectations on anybody…

"We’re not putting expectations on each other.

“Whatever we have at the moment is very especial to us.”

Mismong si Maris ang nagbigay ng ideya na may namamagitan sa kanila ni Iñigo nang inamin nitong inspired siya at napapasaya siya ng actor-singer.

“Ako rin naman po, e,” pag-amin din ni Iñigo sa nararamdaman niya para kay Maris.

Pahayag pa niya, “So many times… I  just have the thought of her in my mind.

“Every time I think of whatever we have… makes me very, very happy genuinely.

"Something that makes me proud. Ako, sobrang natutuwa.

"Every time I’m with her, pure happiness!"

Tumawa naman si Iñigo sa tanong kung matagal na ba sila ni Maris. Two years, one year?

Aniya, “Matagal na kaming nagkakatrabaho ni Maris, sa Bloody Crayon.

"Doon nagsimula yung pagiging close namin.”

So, officially, one year na sila?

“Na ano? Hindi kami,” mariin nitong tanggi.

“Wala kaming kinu-confirm or anything.

“People can put whatever label they want.

"Kung hindi man maintindihan ng mga tao kung ano meron...

"Basta nagkakaintindihan kami, ini-enjoy lang namin kung ano meron kami.

"Kasi pag sinabi kong may one year or dalawang year, mami-misinterpret pa rin ‘yan ng mga tao, e. Mabibigyan ng ibang meaning.

“So, ako, mahirap magsalita, pero masaya kami sa anumang meron kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iñigo sa presscon ng Cornerstone Entertainment Inc. sa kanilang mga contract artist sa Luxent Hotel, Quezon City, noong March 5.

BULLIES. Ayon kay Iñigo, hindi naman perfect ang samahan nila ni Maris. Nag-aaway rin daw sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman, sobra!” bulalas niya. “Nag-aaway kami, nagkakatampuhan.

“Si Maris kasi, pikon… ang mean, ano? Joke!

“Hindi, parehas kaming pikon sa isa’t isa, bully kami sa isa’t isa rin in a funny way.

“Yung pagka-bully namin sa isa’t isa yung tipong, wala lang, binu-bully ko talaga siya.

“Pero it makes me happy, yung tipong ang cute lang, ang cute mapikon ni Maris.

“Ang hirap i-explain, pero pag nakita ako ng tao kung ano yung sinasabi ko, maiintindihan nila."

Dagdag pa niya, “And the fact she’s able to do music and acting at the same time, makes me so happy.

“I can do work, music, and now going back to acting makes me so happy.

“The fact that we’re doing things together makes me happy.

"She’s my co-host in my music.

“We have a song together and we’re doing a movie together. It makes everything just perfect.

“It’s going to be with Star Cinema and Spring Films, and I have one movie coming soon.

“One is gonna be with  Maris and the other is gonna be with the barkada naman.”

SERIOUS STUDENT. Proud nga raw si Piolo Pascual kay Iñigo sa pagpapatuloy ng anak sa kanyang pag-aaral.

Pagbabalita nga ni Iñigo, “Yes, second year na po ako.

“I’m happy because I’m able to juggle work and school at the same time. 

“I’m the type of person… I just like to learn, no pressure.

“Kasi pag nilalagyan ko ng pressure ang sarili ko, hindi ako nag-e-enjoy. 

“Mas ini-enjoy ko yung moment na nakakapag-aral ako.

"The fact that I’m able to work and study, nag-e-enjoy ako.

“Nakakapunta ako sa normal school, excited lang ako sa outcome.

"Sa anumang puwede kong gawin, career-wise, I can choose different paths.”

Dahil nga raw sa love for acting niya, ilang loads lang ang kinuha ni Iñigo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Last semester, I didn’t do so well ‘cause may concerts, I had a hard time juggling that.

“Pero siyempre, my teachers help me with it.”

Pahabol pa ni Iñigo, “My professors are really kind.

"Pinapasa naman nila ako kaya masaya ako.

“I go to Endurance for three years already, I’m taking up Entrepreneurship.”

Tiniyak ni Iñigo na hindi lalagpas ng limang taon bago niya matapos ang kanyang kurso.

“Hindi naman po kasi I’m taking summer classes.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN