Sofia Andres cautious now during press interviews: "Now I know, I've learned."

IMAGE Noel Orsal

Sofia Andres says she's misunderstood: "Mayroon talaga akong mukhang suplada. Ganun lang talaga ang dating ko… kasi hindi talaga naman ako ganun."


Kapansin-pansin sa thanksgiving presscon ng ABS-CBN prime time series na Bagani sa Dolphy Theater ng ABS-CBN nung Huwebes, March 15, hindi humawak ng cell phone ni minsan si Sofia Andres.

Nagbiro pa ang 19-year-old actress na baka raw pagsimulan na naman ito ng isyu pag nagkataon.   

Sambit niya, “Baka lumaki na naman, magkaroon na naman ng issue.”

Kamakailan lang kasi ay napulaan si Sofia ng entertainment bloggers dahil sa diumano'y kawalan ng interes at respeto nito sa isang press event.

Habang ini-interview raw nila ang aktres ay nagti-text at nakapokus ito sa ka-chat sa telepono.

Kumalat sa social media ang pagkadismaya ng bloggers kay Sofia.


Stories We Are Tracking

Sofia Andres apologizes for her behavior towards bloggers
Sofia Andres apologizes for her behavior towards bloggers
Ex-NPC president calls Sofia Andres as 'habitual bastos'
Ex-NPC president calls Sofia Andres as 'habitual bastos'
Sofia Andres explains bad behavior during interview
Sofia Andres explains bad behavior during interview
Liza Soberano defends <em>Bagani</em> co-star Sofia Andres
Liza Soberano defends Bagani co-star Sofia Andres

Inamin ni Sofia na nasaktan siya sa masasakit na salitang ibinato laban sa kanya.

Saad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nasaktan ako, siyempre tao lang din naman ako.

“Mga comments sa Instagram na ‘maganda nga, wala namang ano,’ ganun.

“Hindi namin matitigil yung mga ganun, and I respect that.”

Ayon pa kay Sofia, hiumingi na siya ng tawad sa nagreklamong blogger.
    
“Totoo niyan, nalaman ko lang ‘yan nung tinanong ako.

“I said sorry naman kay Kuya Jude and he said okey na.

“I really said sorry, sana huwag naman akong i-judge na ganun-ganun na lang.

“Mayroon talaga akong mukhang suplada, I’m not interested, I don’t care.

“Ganun lang talaga ang dating ko.

"Sana mag-give chance sila, hindi talaga ako ganun.”
 
Kuwento pa ng Bagani actress, sobrang stressed siya ng mga oras na yun.
     
“Sobrang wrong timing lang talaga, dun nagsimula yung mga bashers.

“At least now I know, I’ve learned next time.”

NEW BF? May balita namang may bagong boyfriend na raw si Sofia.

Sabi naman ni Diego Loyzaga, na naugnay sa dalaga, single siya ngayon.

Parehong pinabulaanan ng aktres ang pagkakaroon ng bagong boyfriend at ang pagkakaugnay sa kanila ni Diego.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Boyfriend? Wala.

"Kami ni Diego, we’re friends, pero hindi pa kami nakakapag-usap."
 
Kung totoo ngang zero ang love life ni Sofia, umuusbong naman ang acting career niya.

Mahalaga ang role na ipinagkatiwala sa kanya ng ABS-CBN fantaserye na Bagani.
    
Saad ni Sofia, “Napakalaking karangalan para sa akin.

“Sobrang saya na nabigyan na naman ako ng biyaya ng ABS-CBN.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN