JM de Guzman admits giving up on showbiz career after second rehab

IMAGE Instagram

JM de Guzman on to those who are struggling with drug dependency: "Number one na nakatulong talaga sa akin is humility, humility to accept na mayroon kang pinagdadaanan. Hindi dahil minalas ka or something, dapat mahanap mo yung reason, magandang reason, sa pinagdadaanan mo para may makuha kang gift, lesson sa huli."


Hindi inakala ni JM de Guzman na may babalikan pa siyang showbiz career sa ikalawang pagkakataong ipinasok siya sa rehabilitation center dahil sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot.

Pahayag ng 29-year-old actor, “Wala na, actually tinanggap ko na nung nasa loob ako.

“Sabi ko, ‘Wala na ito, pinagbigyan na ako.’ Iniyak ko na dun.’

“Sabi ko, ‘Sige, paglabas ko, aarte-arte na lang, indie films, teatro.’

“Gagawin ko pa ring umarte, pero yung aasa ako na makukuha ko uli ang goals ko, bibitawan ko na.

“Pero may chance pa pala.”

Muli siyang kinuha ng ABS-CBN at magbibida pa sa teleseryeng Araw Gabi, katambal ang baguhang si Barbie Imperial.

Dahil dito, lubos-lubos ang pasasalamat ni JM.

Saad niya, “Kina-count ko lang talaga yung mga natatanggap kong blessings.

“Ito yung mga hindi mo ma-explain na, ‘Saan nanggaling yun?’

“Yung love something na ite-treasure ko... masarap siya sa pakiramdam.

“It keeps me on my feet, it keeps me grounded, motivated, and inspires me to do better.”

Patuloy ni JM, “Sa mga fans ko, salamat, salamat sa support, sa love, sa pagwe-welcome uli sa akin, sa pagpapatawad.

“I've let you down, I’m sorry.

“No promises, but I will try my best.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si JM sa set ng ASAP noong nakaraang Linggo, March 11.

SELF-CONFIDENCE. Sa hiwalay na panayam kay Angelica Panganiban, kapareha ni JM sa That Thing Called Tadhana (2014), nabanggit nitong unti-unti nang nabubuo muli ang self-confidence aktor at nakikihalubilo na muli ito sa mga tao.

Reaksiyon dito ni JM, “Nasa process pa rin. Actually, almost every day, nagkakaroon pa rin ako ng counselling session.

“Kasi slowly, bini-build pa rin namin yung confidence ko from the scratch.

“Kasi lahat before, false confidence.”

Labis naman ang pasasalamat ng aktor sa nakikita niyang mainit na pagtanggap sa kanya ng lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nasa process, pero happy ako ngayon na nasa labas na ako.

"Very supportive ang mga tao, grabe, sobrang overwhelming—ABS CBN, Star Magic, mga handlers ko, sa set, yung mga boss.

“Ewan ko, feeling ko may awa sila, na-appreciate naman nila na nag-effort ako para magbago.

“Nakaka-overwhelm, pero minsan nakaka-anxious, gusto mong ibalik.

“Pero kina-count ko na lang siya na everyday blessing sa akin.”

Ano ang payo niya sa mga taong pinagdadaanan ngayon ang napagdaanan niya noon?

Tugon ni JM, “Number one na nakatulong talaga sa akin is humility, humility to accept na mayroon kang pinagdadaanan.

“Hindi dahil minalas ka or something, dapat mahanap mo yung reason, magandang reason, sa pinagdadaanan mo para may makuha kang gift, lesson sa huli.

“Strength, wisdom.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN