Former Sen. Bong Revilla in favor of Janet Lim Napoles being a state witness

by Jojo Gabinete
Mar 18, 2018
Sang-ayon si dating Senador Bong Revilla na gawing state witness si Janet Lim Napoles sa mga kasong may kinalaman sa pork barrel scam. Pahayag pa ng aktor, "There are people who would prefer she keep quiet. Sila yung may mga itinatago at kinatatakutan. I have nothing to be afraid over what she says because I too want to know the truth."

Pabor ang aktor at dating senador na si Bong Revilla Jr. na maging state witness ang itinuturong mastermind ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel scam na si Janet Lim Napoles.

Mula sa pagiging akusado ay nagdesisyon ang Department of Justice (DOJ) na ilagay si Napoles sa witness state program (WPP).

Si Bong ay na-detain sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center mula noong June 2014 dahil sa kasong plunder at graft, kaugnay ng pagkakasangkot ng pangalan niya, kasama ang mga kapwa senador na sina Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada, sa pork barrel scam.

Sa kanyang Facebook post ngayong araw, March 18, ibinahagi ni Bong ang kanyang saloobin tungkol sa pagiging state witness ni Napoles.

Ipinagtataka ng dating senador na tila maraming tao ang natatakot sa mga sasabihin ni Napoles tungkol sa PDAF scam.

Para kay Bong, mas gusto niyang magsalita na si Napoles upang malaman ng taumbayan ang buong katotohanan tungkol sa kasalanang ibinibintang laban sa kanya.

Continue reading below ↓

Hindi raw siya natatakot kung sakaling maging state witness si Napoles dahil nais din niyang malaman ang totoo.

Narito ang buong pahayag ni Bong:

"Why is everyone so afraid of what Napoles has to say?

"I will reiterate what I have said over 4 years ago, let her speak and say everything she knows.

"State witness or not, she has to spill the beans. Tamaan ang dapat tamaan; mapanagot ang dapat managot; at maparusahan ang mga tunay na dapat maparusahan.

"There are people who would prefer she keep quiet. Sila yung may mga itinatago at kinatatakutan.

"I have nothing to be afraid over what she says because I too want to know the truth.

"I want to know how I was victimized by politics. It's time the truth comes out."

Pareho nang nakalabas sa pagkaka-detain sina Enrile at Jinggoy, at tanging si Bong na lang ang naka-detain.

Mabagal ang pag-usad ng kaso laban kay Bong, pero hindi raw ito nawawalan ng pag-asang darating ang araw na makakamit niya ang pinakaaasam na hustisya.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sang-ayon si dating Senador Bong Revilla na gawing state witness si Janet Lim Napoles sa mga kasong may kinalaman sa pork barrel scam. Pahayag pa ng aktor, "There are people who would prefer she keep quiet. Sila yung may mga itinatago at kinatatakutan. I have nothing to be afraid over what she says because I too want to know the truth."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results