Jason Abalos crowns Bb. Pilipinas 2018 first runner-up Vickie Rushton his "queen"

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Kapamilya actor Jason Abalos is proud and still rooting for girlfriend Vickie Rushton despite her failure to secure any of the six major crowns in Binibining Pilipinas 2018 pageant. Vickie is hailed first runner-up. 


Para sa Kapuso actor na si Jason Abalos, mananatiling reyna sa kanyang puso ang kasintahang si Vickie Rushton.

Ito ay matapos mabigo si Vickie Rushton na masungkit ang isa sa anim na major crowns sa Binibining Pilipinas 2018.

Itinanghal si Vickie na first runner-up sa grand coronation na ginanap sa Araneta Coliseum nitong Linggo, March 18.


Stories We Are Tracking

Catriona Gray is Miss Universe-Philippines 2018
Catriona Gray is Miss Universe-Philippines 2018

Sa Instagram post ni Jason ngayong araw, March 19, ibinahagi nito kung gaano siya ka-proud sa girlfriend sa naging performance nito sa Binibining Pilipinas.

Mensahe niya, “Simula pa lang talaga si #binibini1 na ang bet ko sa #binibiningpilipinas2018 eh.

"congrats baba, so proud of you.

“Ang galing mo, nagulat ako na ganon ka pala pag nasa stage na, sobrang nakakakaba.

"hindi madali ang training na pinagdaanan nyong lahat ng ilang buwan, lahat kayo deserving sa crown.

“Pero ganon talaga, konti lang ang pwede ibigay :)

Sa comments section, may isang netizen ang nagtanong kung anong crown ang nakuha ni Vickie.

Proud namang sagot ni Jason, “Jason’s queen :).”


Pagbabahagi pa ni Jason, hindi siya nakakain nang maayos dahil sa laban ng girlfriend sa beauty pageant.


Maging ang Kapamilya star na si Kim Chiu ay nalungkot na hindi nakakuha ng korona si Vickie.

Parehong naging housemates sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother sina Kim at Vickie.

Tweet ni Kim, “been rooting for bb 1 to get a crown, how come she didn’t get one???? anyway congrats to all the winners!!! mabuhay ang pilipinas!!!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN