Lauren Young confident about her body despite not being "stick thin girl"

IMAGE Noel Orsal

Lauren Young proud of her body: "I will never apologize for not being the stick thin girl that everyone is used to seeing on TV."


Muling inihayag ni Lauren Young kung gaano siya kakampante sa kanyang pangangatawan.

Kung ikukumpara sa ibang female stars, hindi siya kasing-payat o kasing-balingkinitan ng mga ito.

Pero masaya siyang malusog at kung nasaan siya ngayon.

Kasabay ng pagsisimula ng bagong teleserye niya sa GMA Network, ang Contessa, nag-post si Lauren sa Twitter kahapon, March 19, ng mensahe tungkol sa pisikal niyang kaanyuan.

Pahayag ng 24-year-old Kapuso actress, "I will never apologize for not being the stick thin girl that everyone is used to seeing on TV.

"The important thing is that I'm healthy and in a good place in my life and I'm more than happy to represent women who are confident in their own skin."

Marami sa followers ni Lauren ang sumang-ayon sa kanyang pahayag.

Sabi pa ng isang netizen, "Been meaning to tell this to people who are saying 'anong nangyari sa'yo bakit lumaki ka? Ang sext mo dati ah'.

"What they don't know is that I have PCOS. haay people these days.

"You're beautiful ans George don't let other people tell you otherwise. Keber! ????????"

Tugon ng kapatid ni Megan Young dito, "You really have to be careful [with] your words because sometimes people don't know that you might be going through something.

"Wishing you a smooth journey ans keep your head up high and show them how strong you are!!" ??

Hindi ito ang unang pagkakataong nagsalita si Lauren tungkol sa kanyang pangangatawan.

Minsan na rin siyang nagsulat ng blog tungkol sa kanyang weight-loss struggle.


Stories We Are Tracking

Lauren Young 'trained like a beauty queen' and lost weight
Lauren Young 'trained like a beauty queen' and lost weight
How Lauren Young got over
How Lauren Young got over "mataba ako" phase
Lauren Young:
Lauren Young: "I will wear swimsuit... to hell with bashers."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN