Cristine Reyes denies marriage with Ali Kathibi is on the rocks: "We're fine."

IMAGE Arniel Serato

Ayon kay Cristine Reyes, walang problema sa pagsasama nila ng mister niyang si Ali Kathibi. Kaya deadma na lamang daw sila sa mga espekulasyon ng netizens na on the rocks ang pagsasama nila. 


Going strong daw ang pagsasama ng mag-asawang Cristine Reyes at Ali Kathibi.

Taliwas ito sa haka-haka ng netizens tungkol sa kanilang samahan pagkatapos mag-post ang aktres ng "prayer for marriage" sa Instagram noong January 8.

Ito ang buong post ni Cristine:

“Dear God, I pray for my marriage right now.

"Please guard my relationship with my husband and protect us against elements that tempt or taunt us to ruin what we have.

“Convict our hearts when we are wrong or un-righteous, fill us with a passion to get better and bless us with a deep love for each other in Jesus name AMEN.”

Pero paglilinaw ni Cristine, walang problema sa pagsasama nila ni Ali.

“Actually, di ko alam kung bakit siya naging isyu.

"Kasi, actually, I just got it [IG post] from Pinterest, so parang... I don’t know why people made a big deal out of it.

“So, deadma. Ako naman si deadma.”

Ang Pinterest ay isang web at mobile app.

Diin pa ng StarStruck alumna, “We’re fine.

"We’re both working and, yeah, taking care of our daughter."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cristine sa story conference ng bagong pelikula ng Viva Entertainment, ang Abay Babes, sa Viva Office, Ortigas, Pasig City, nitong Miyerkules, March 21.

ABAY BABES. Balik sa pagpapa-sexy si Cristine sa Abay Babes.

Hindi ba ito magiging problema sa asawang si Ali?

Tugon niya, “It’s work so I don’t think it would be a problem.”

Karamihan sa mga eksena ng Abay Babes ay kukunan sa Bicol at magla-lock in daw sila sa probinsiya para matapos kaagad ang pelikula.

Bukod kay Cristine, kasama rin niyang magbibida sa pelikula sina Roxanne Barcelo, Meg Imperial, Kylie Verzosa, at Nathalie Hart.

Ito ang kauna-unahang directorial job ni Don Cuaresma sa Viva Entertainment.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN