RS Francisco admits sexual encounters with four male celebrities

IMAGE Allan Sancon

While RS Francisco has had no formal relationships with any male celebrity, he admits to having sexual encounters with them, but refused to name names. He told PEP.ph, "Dalawa sikat, yung isa hindi masyado, yung isa wala na [sa showbiz]."


Inamin ng openly gay actor-director na si RS Francisco na nagkaroon siya ng sexual encounters sa apat na male celebrities.

Pero hindi raw niya nakarelasyon ang sinuman sa kanila.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’m not the relasyon type, e.

"So, relasyon, wala.

"Yung laru-laro, four.”

Pero tumanggi si RS na pangalanan ang apat na male celebrities na “nakalaro” na niya in the past.

Sa apat na iyon, ilan ang hanggang ngayon ay sikat?

“Two and a half!" bulalas niya.

"Yung isa, hindi masyado. 

"Dalawa sikat, yung isa hindi masyado.

"Yung isa, wala na [sa showbiz]."

Sa apat, ilan ang straight at ilan ang bisexual or gay?

Maingat na sagot ni RS, “Pero hindi ko sasabihin kung sino dun, ha?

"Dalawa ang straight, sure ako, yung dalawa…

”Hindi, baka tatlo ang straight dun.

"Yung isa dun, hindi ako sure, e!"

TEMPTATION ISLAND. Noong Pebrero ay nanalo si RS sa 34th Star Awards For Movies bilang Movie Actor of the Year para sa pelikulang Bhoy Intsik.

Tinalo niya sina Dingdong Dantes, Joshua Garcia, Jojit Lorenzo, Aga Muhlach, Robin Padilla, Piolo Pascual, Derek Ramsay, Jericho Rosales, at Vic Sotto.

Kung papipiliin siya, sino sa co-nominees niya ang gusto niyang makasama kapag na-stranded siya sa isang island?

“Island talaga, hindi pelikula? Sana pelikula na lang!” sagot ni RS sabay tawa.

“Ano yun, Temptation Island?

“Ganito 'yan, Dingdong is like a friend talaga na walang malice.

“Si Robin dati crush ko siya sa Maging Sino Ka Man.

"Pero mahilig ako sa mga bagets, e."

Crush nga raw ni RS si Joshua, na binanggit pa niya sa stage nang tanggapin ang kanyang tropeyo.

Kay Bossing Vic naman daw ay mataas ang respeto niya.

Patuloy niya, “Piolo is a friend, na nadirek ko na for two commercials.

“Jojit, friend ko tsaka siya yung photogprapher ng Bhoy Intsik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Derek is my friend, kasama ko sa Magkaribal.

“Jericho is a friend, nadirek ko rin for commercials din.

"So, parang… Joshua nga!”

Wala bang conflict doon?

Si Joshua ay ka-love team ni Julia Barretto, na pamangkin ng best friend ni RS na si Gretchen Barretto.

“Sus, walang conflict-conflict sa mga ganyan!” tawa na naman niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN