Maggie Wilson, Bea Rose Santiago call out "nasty, rude" fans of Catriona Gray

by Bernie V. Franco
Mar 22, 2018
Former beauty queens Maggie Wilson (left) and Bea Rose Santiago (right) engage in a word war with Catriona Gray's (center) fans. The issue began when Maggie and Bea Rose disagreed with Catriona being awarded as Best in Swimsuit at the Binibining Pilipinas 2018 coronation night.

Tinawag na "nasty" at "rude" ng former beauty queens na sina Maggie Wilson at Bea Rose Santiago ang ilang fans ni Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray.

Ito ay matapos makatanggap ng pambabatikos sina Maggie at Bea Rose dahil sa naging opinyon nila sa ginanap na Binibining Pilipinas 2018 grand coronation noong Linggo, March 18.

Si Maggie ay nanalong Bb. Pilipinas-World noong 2007.

Si Bea Rose ay nanalong Bb. Pilipinas-International noong 2013 at hinirang na Miss International noon ding taong iyon.

Para kina Maggie at Bea Rose—na aktibo sa social media habang umeere ang beauty pageant—hindi deserving si Catriona sa special award nitong Best in Swimsuit.

Bukod sa pinakamataas na title, humakot din ng special awards, kabilang na nga ang Best in Swimsuit.

Ayon sa Facebook post ni Maggie, “Huh, best in swimsuit? Paano? I mean, pretty face but definitely not the best body out there.”

Komento rito ni Bea Rose, "napa nganga TAWA" sila ni Maggie.

Continue reading below ↓

A post shared by Arch Bala (@paddylastinc) on

Nag-tweet din si Bea at sumang-ayon kay Maggie.

“it should not be all about the face,” sabi ng former Miss International.

ALLEGED BODY-SHAMING. Hindi nagustuhan ng fans ni Catriona ang diumano’y pamba-bash at body-shaming comments ng former beauty queens sa kanilang idolo.

Inulan ng batikos ang dalawa sa kanilang social media accounts.

Naging personal din ang atake ng ilang fans.


Continue reading below ↓


MAGGIE SPEAKS UP. Ngayong Huwebes, March 22, nag-post si Maggie ng statement sa kanyang Instagram Story upang i-address ang isyu.

“Getting so much hate for a comment I made about Catriona Gray,” simula ng kanyang post.

Gayunpaman, pinaninindigan daw niya ang kanyang opinyon.

Ipinaalala ni Maggie sa fans na may mga maganda rin siyang sinabi tungkol kay Catriona, gaya ng pagiging deserving nito sa korona.

Continue reading below ↓

“I didn’t agree with her being awarded Best in Swimsuit. I stand by that.

“I also do think she’s beautiful and deserves her Miss Universe Philippine’s win for overall performance.”

Banat pa niya sa fans, “Did you forget that I also wrote that?

"Or did you choose to ignore and neglect to read, screen cap and share that part just so you have a ‘reason to hate’?

“Why don’t you ask her what she thinks?”

Patuloy niya, “I’m sure she wont condone how nasty you’re all being.

“An opinion is different from bashing.”

Naka-tag din si Catriona sa comment ni Maggie.


Continue reading below ↓

Kasunod nito ay ni-repost ni Maggie ang dalawang atakeng personal sa kanya ng ilang fans.

Buwelta ni Maggie, “You can hate me if you like, but how dare you go after my family!”

Naka-tag dito si Catriona.

“These are your fans @catriona_gray,” mensahe pa ni Maggie.


BEA ROSE'S COMMENTS. Sunud-sunod din ang comments ni Bea Rose sa kanyang Instagram post bilang sagot sa netizens.

Continue reading below ↓

Dinepensahan ng dating Miss International ang hindi nila pagsang-ayon ni Maggie sa Best in Swimsuit award ni Catriona.

“Me laughing with Maggie has nothing to do with @catriona_gray hahaha bawal ba?” banat niya.

Sagot pa niya sa isang netizen, “ano nga ang mali lol show me?! Never compared girls instead I showed appreciation.

"@catriona-gray was my bet, I mean sino pa bang pang [Miss] U? Tapos hanash agad?

"Gawagawa kayo stories without checking if there's something wrong.

"If I wanna say something I can say her name.

“a queen is never afraid to say what she feels and what she believes in."

Mensahe pa ni Bea Rose, "@catriona_gray needs to know her fans are being rude."


Continue reading below ↓


Sa kasalukuyan ay burado na ang comments na ito ni Bea sa kanyang post, gayundin ang comments ng netizens laban sa kanya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former beauty queens Maggie Wilson (left) and Bea Rose Santiago (right) engage in a word war with Catriona Gray's (center) fans. The issue began when Maggie and Bea Rose disagreed with Catriona being awarded as Best in Swimsuit at the Binibining Pilipinas 2018 coronation night.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results