Teresita Ssen Marquez destroys troll with her sharp retort

IMAGE Instagram photo of Teresita Ssen Marquez

Teresita Ssen Marquez says rehabilitation plan in Boracay is sketchy after the government approved construction of casino-resort in the island.


Idinaan sa biro ni Teresita Ssen Marquez ang isang troll na kumutya sa kanya matapos siyang magbigay ng opinyon tungkol sa isyu ngayon sa Boracay.

Napaisip daw kasi ang reigning Reina Hispanoamericana dahil sa gitna ng planong pagpapasara sa isla ng Boracay para sa rehabilitasyon, lumabas ang balitang inaprubahan ng gobyerno ang pagpasok ng isang malaking casino-resort dito.

Sabi ng 25-year-old beauty queen-actress, “I find it really sketchy na gustong gusto nila isara ang boracay dahil gusto nila i-rehabilitate ang isla tapos biglang may na-approve na napakalaking CASINO-RESORT na itatayo din doon?

“Ako lang ba or napaisip din kayo?”

Halos lahat ng sumagot sa post na ito ni Teresita Ssen ay sumang-ayon sa kanyang opinyon.

Maliban sa isang troll na may username na @R3GH13, na personal na inatake ang Pinay beauty queen.

Sabi nito sa kanyang reply kay Tesita Ssen, “Wala kang alam kaya shut up nalang.

“Ganda lang meron ka pero wala kang talino kaya hanggang pang beauty pageant ka lang.”

Idinaan naman ni Teresita Ssen sa pambabara ang kanyang sagot sa troll.

Sabi niya, “At ikaw pang ano ka naman?”

Sa post na ito ay pinaalalahanan ng fans ang beauty queen na huwag nang patulan ang mga troll.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN