Alden Richards to do annual Holy Week tradition: "Dapat po nasa bahay"

IMAGE Noel Orsal

Despite his fame, Alden Richards says, "...lalong lumalalim, lalong umaapoy ang relationship ko with the Lord."


Magbabakasyon raw si Alden Richards kasama ang kanyang pamilya ngayong semana santa sa Dakak.
 
“Saglit lang po then, uwi po kami ng Good Friday. Black Saturday hanggang Easter Sunday, dapat po nasa bahay.

 “Sinusunod ko lang po ang lola ko, dapat magdasal po.

“Kaya sabi ko, 'Uuwi po tayo.' Sabi niya, 'Very good,'” ang sambit ng aktor sa launch ng kanyang bagong endorsement noong March 20.
 
Dugtong pa niya, “Doon din po kami lumaki.
 
“Hindi ko po bibitawan kasi yun po ang turo sa amin ng lola ko.  

“Kapag Saturday, nood kami ng TV, Seven Last Words, Station of the Cross.

“As much as possible po ginagawa namin yun every Holy Week.”

Kilala si Alden na may malapit na relasyon sa Diyos.
 
Kahit sa song album niya, hindi mawawala ang kantang papuri at pasasalamat niya sa Maylikha.
 
“Naku, wala pong nababago, every time, lalong lumalalim, lalong umaapoy ang relationship ko with the Lord.

“That’s why, siguro, sa dami ng dumarating, whether good or bad things in my life right now, si Lord po ang nagpapantay lahat.
 
“He’s keeping my sanity with me, kung wala po akong kakapitan na Supreme Being, baka kung anu-ano na po ang ginawa ko.  

“Kasi hindi siya madali, yung buhay ko po every day, hindi siya madali.  

“So I really need to hold on to someone, si Lord po. 

“Sa secondary ko, nandiyan ang family ko, mga kasama ko po sa industriya, friends, that’s what keeps me grounded.”

LENTEN SPECIAL. Ang Pambansang Bae ang isa sa dalawang kuwentong tampok sa Lenten special ng Eat Bulaga! sa GMA 7, Lunes Santo, March 26.

Makakasama niya ang beteranong aktor na si Tirso Cruz III.

“Naku, si Tito Tirso, sobrang galing pala nun at sobrang bait,” bulalas ni Alden.

Unang beses daw niyang nakatrabaho ang aktor.

Ayon pa kay Alden, “Parang hindi na po ako umarte kapag siya ang ka-eksena ko.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi parang as a senior actor po, yun nga, may term po kasi kami as bigayan.

“Ang dami niya pong binibigay sa akin so hindi na po ako umaarte, sumusunod na lang po ako sa binibigay ni Tito Tirso.  

“Ganun po siya kagaling, parang si Ate Guy po [Nora Aunor], si Tita Jaclyn Jose.

“Yun po ang mga nakatrabaho kong seniors na over po talaga.”
 
Sa “Haligi ng Pangarap,” ginagampanan ni Alden ang anak ni Pip na isang overseas worker na hindi naka-attend ng graduation ng anak niya.

Ayon kay Alden, “Doon po nag-start ang conflict, the story will revolve around family, forgiveness at saka acceptance.”
 
Back-to-back daw ang kuwento nila sa kuwento naman ng “Carinderia Girl” ni Ruby Rodriguez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN