Liza Diño not resigning from FDCP after Aiza Seguerra's resignation from NYC

IMAGE @lizadino on Instagram

Liza Diño (L) and Aiza Seguerra (foreground) with President Rodrigo Duterte (2nd from L) and his executive assistant Bong Go.


Masayang ibinahagi ni Liza Diño na unti-unti na raw nagiging normal ang takbo ng buhay ng partner niyang si Aiza Seguerra pagkatapos niyang mag-resign bilang chairperson ng National Youth Commission (NYC.

Halos magkasabay silang in-appoint ng administrasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte noong August 2016. Sa NYC si Aiza, habang sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) naman si Liza bilang chairperson.

“There’s a semblance of normalcy na sa amin. Siyempre marami ring na-miss namin during the time we were both working, di ba?

"Kasi siyempre talagang may masa-sacrifice na family time, ganyan.

"Medyo nagpi-pick up in terms of him finding himself, doing a lot of singing gigs again,” pahayag ni Liza sa press launch ng bagong proyekto niyang CineMarya sa Cinematheque ng FDCP kahapon, March 23.

Hanggang April 5 pa naman daw si Aiza sa NYC. Pagkatapos nito ay magpu-focus na raw ito sa pagkanta gamit ang bagong pangalan niyang Ice Seguerra.

Itong pagkanta raw kasi ang naisantabi ng kanyang asawa nung naging abala ito sa NYC.

Ani Liza, “With Ice kasi talaga, napaka-focus niya. Pag meron siyang ginagawa, hindi siya puwedeng gumawa ng iba.

“Pag siya, public service, public service lang 'yan. Talagang one hundred percent of his time idi-devote niya. Hindi siya kakanta, hindi siya magpi-perform na puwede niyang gawin e to balance.

“Talagang na-sacrifice niya talaga yung other love niya.”

Kaya itinuturing din niyang personal ang rason nang pag-resign ni Ice. Hindi lang daw niya maibigay ang buong kuwento kaugnay sa resignation.

“Personal yung ano…what he’s going through in terms of understanding kung ito ba, para sa kanya o hindi.

“Siguro, at the time that he was chair, he gave more than one hundred percent. I can be sure of that.

“Yung interfaces sa kabataan sobra.

"But now na open ulit yung opportunity niya to focus on other things, nakikita ko na naeenganyo ulit siya to go back to singing ganyan,”  dagdag na pahayag ni Liza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagulat naman siya sa isa pang usap-usapang pagkatapos daw ng resignation ni Ice ay siya naman daw ang susunod.

“Hindi. Not at all. I mean hindi naman siguro nila gusto akong mag-resign 'no?

“Pero, if there’s one thing I discovered about being in government service is yung naging purpose mo sa buhay is parang mas naging malaki siya.

“I’m really happy with what I’m doing. I’m happy with being able to support yung talagang… may makita lang akong filmmaker na nag-succeed, yung may programs lang kaming naging effective, parang it’s your joy.

"I really feel fulfilled in that sense,” saad ni Liza.

CINEMARYA. Sa ngayon ay magpo-focus muna siya sa CineMarya na tumatalakay sa mga kababaihan.

Collaboration project ito with Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine Commission on Women (PCW).

Bukas ito sa mga bagong filmmakers edad 18 hanggang 30 na gustong gumawa ng short films tungkol sa women empowerment.

Sa mga interesadong sumali, tatanggap daw ng entries ang FDCP mula April 1 hanggang June 30, 2018.

Sampung entries ang pipiliin at bibigyan ng seed money na 100 thousand pesos, at isasali ang filmmaker sa two-day workshop ng CineMarya film camp.

Magkakaroon ng caravan ang FDCP para mapanood sa buong bansa ang sampung short films ng CineMarya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN