Matteo Guidicelli blasts netizen accusing him of flirting with another girl

IMAGE Instagram @mateoguidicelli

Matteo Guidicelli hits netizens questioning his commitment to his girlfriend Sarah Geronimo.


Kinastigo ni Matteo Guidicelli ang netizen na nagbigay ng malisya sa larawan niya kasama ang isang non-showbiz girl.

Sa larawan ay makikitang nakatawa si Matteo habang buhat sa kanyang balikat ang isang hindi kilalang babae.

Ibinahagi ni Matteo ang larawan sa kanyang Instagram story kamakailan.

Isang Twitter user—na may handle name na @rushgreys—ang umalma sa pakikipaglapit ni Matteo sa ibang babae.

Ito ay sa kadahilanang hindi umano ito nakakabuti sa relasyon nila ng girlfriend na si Sarah Geronimo.

Sabi ng netizen:

Maiksi ngunit diretso ang pahayag ni Matteo sa akusasyong ibinato sa kanya ng netizen.

Ganting-sagot ni Matteo:

May isa pang netizen ang nagkuwestiyon sa pagiging tapat ni Matteo kay Sarah.

Ngunit iginiit ni Matteo na hindi siya magpapaapekto sa kung anumang maling alegasyon ang ibato sa kanya.

Mahigit apat na taon nang magkarelasyon sina Sarah at Matteo.

Si Matteo ang tanging lalaking pinanindigan ang panliligaw kay Sarah hanggang sa tuluyan silang naging magkasintahan noong 2013.

June 2014 nang isinapubliko ni Sarah na nobyo na niya si Matteo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN