Aiko Melendez spotted with a date at Maja Salvador's concert

IMAGE Jimpy Anarcon (left)/Allan Sancon (right)

Mailap sa camera ang Kapamilya actress na si Aiko Melendez habang kasama ang kanyang "date" sa concert ni Maja Salvador na Maja On Stage noong Biyernes, March 23.


Kapansin-pansin ang pagdating ni Aiko Melendez sa concert ni Maja Salvador na Maja On Stage, sa Kia Theater, noong Biyernes, March 23.

Bukod sa tilian mula sa fans, marami rin ang nakapansin sa kasamang dumating ng aktres noong gabing iyon.

Nabanggit din ito ni Maja sa stage, habang nagbigay-pugay sa co-stars niya sa Wildflower na sina Aiko at Zsa Zsa Padilla.

“Ate Aiko... hmmm, Mayor ha,” sabi ni Maja nang makita si Aiko at ang katabi nito.




Ito na  kaya ang bagong boyfriend ni Aiko?

Sa panayam ni Aiko sa Magandang Buhay noong February 2, inamin ng dating Wildflower actress na may bago siyang idine-date na “special someone.”

Ayon sa aktres, hindi niya hinanap ang bagong special someone.

Sa halip, aniya, “Pinagdasal ko.

"Sabi ko, ‘Lord quota na ako sa sakit. Puwede bang magbigay Kayo ng isang tao na mas mamahalin ako kaysa sa mamahalin ko siya at yung matatanggap ng anak ko at may takot sayo na hindi siya gagawa ng anuman na makakasakit sa kapwa niya?’

“After ilang months, ito, ibinigay na sa akin.”

Dagdag pa ni Aiko, “Napakaimportante when you pray for the one, when you put Jesus Christ in the center of your relationship. Because if you put God, everything follows.”

Happiness :) #jfkasm ??

A post shared by -Ms Aiko Melendez - (@aikomelendez) on

Sa ngayon, tila tikom pa ang bibig ni Aiko tungkol sa katauhan ng kanyang “special someone,” na isa umanong “politician from the North.”

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Aiko ngayong araw, March 26, inamin ng aktres na kasama niya ang kanyang “special someone” na dumalo sa racing event na sinalihan ng anak na si Andre.

Ito ay ang Clark International Drag Racing Competition sa Clark, Pampanga, kahapon, March 25.


Stories We Are Tracking

Aiko brings BF to son Andre's first professional race
Aiko brings BF to son Andre's first professional race


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN