Andrea Brillantes slams netizen shaming her fan photo with IV of Spades frontman

by Nerisa Almo
Mar 27, 2018
Andrea Brillantes on netizen's comment about her 'revealing' fan photo: "I am a Woman and wearing a bra is normal.. shaming a 15 year old because of it is not normal.

Wala raw dapat ipagpaumanhin ang 15-year-old actress na si Andrea Brillantes sa kanyang fan photo kasama ang frontman ng indie band na IV of Spades.

Isang netizen ang pumuna sa kasuotan ni Andrea sa Wanderland 2018, isang art and music festival, na ginanap noong March 10.

Sa isang larawan kasama si Unique Salonga, ang frontman ng IV of Spades, kapansin-pansing kita na ang maliit na bahagi ng bra ng Kapamilya teen star.

1/4 ????

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe) on

Sabi ng Twitter user na si @groovyspades, “Iha kita na yung baby bra mo.”

Ang post na ito ay deleted na, ngunit tila nakarating ito kay Andrea.

Sa pamamagitan ng Instagram Story kahapon, March 26, naglabas ng saloobin si Andrea tungkol sa pagpuna ng netizen sa kanyang naging kasuotan.

Aniya, “I was supposed to say sorry to everyone who felt uncomfortable about it but no, I realized that I shouldn't be sorry... I mean why should I?

“I am a Woman and wearing a bra is normal.. shaming a 15 year old because of it is not normal."

Continue reading below ↓

Paliwanag pa ni Andrea, “Tumakbo at tumalon kasi ako para makapag pa picture kay Unique kaya haggard ako, tao lang.”

Tanong pa niya: “Guys can wear super low bottoms and kita brief nila but no one would care, but pag girls nakita lang bra/strap it's a big deal na? Bakit ganun?”

Sa huli, tila nais ng dalagita na ipagkibit-balikat na lamang ang isyu.

Sabi niya, “I wanna thank Lord for giving me the strength dahil siguro ashamed na ako sa sinasabi ng mga tao. I am not ashamed.

“Mas madami pang problema sa mundo na kelangan bigyan ng pansin kaysa sa bra ng isang 15 year old. (thank you to everyone who defended me).”

Nag-expire na ang naturang post, ngunit ibinahagi ni Andrea ang screenshot nito sa kanyang Twitter account.

Sa sumunod niyang Twitter post, muling tiniyak ni Andrea na hindi siya apektado sa isyung ito.

Pahayag niya, “i’m okay guys di naman ako masyado nag pa apekto. gusto ko lang talaga magsalita tungkol dun sa issue. Wag kayo mag alala, napaka saya ko padin i love you all

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Brillantes on netizen's comment about her 'revealing' fan photo: "I am a Woman and wearing a bra is normal.. shaming a 15 year old because of it is not normal.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results