Pia Wurtzbach playfully responds to Marlon Stockinger's invitation on Instagram

by Bernie V. Franco
Mar 27, 2018
In Marlon Stockinger's recent Instagram post, he asked who wants to have breakfast with him. His girlfriend Pia Wurtzbach playfully responded with "Meee."

Nananatiling tahimik ang mga kampo nina Bea Alonzo at Pia Wurtzbach hinggil sa isyung pag-unfollow ni Bea sa Instagram account ng rumored boyfriend niyang si Gerald Anderson at ni Pia.

Si Pia ang leading lady ni Gerald sa pelikulang My Perfect You, na kasalukuyang palabas sa mga sinehan.

Bunsod nito, nagsulputan ang iba't ibang espekulasyon, katulad ng diumano’y pagkakalabuan nina Bea at Gerald at may kinalaman umano rito si Pia.

Nagbigay na ng maiksing pahayag si Gerald sa isyu at sinabing steady naman ang kanyang buhay pag-ibig.

STORIES WE ARE TRACKING

Sa sitwasyong ito, nananatili ring tahimik ang boyfriend ni Pia—ang F1 racer na si Marlon Stockinger.

Pero naka-follow pa rin sa isa't isa sina Pia at Marlon sa Instagram.

From Pia's Instagram account:



Continue reading below ↓

From Marlon's Instagram account:


PIA COMMENTS. Kaugnay nito, sa isang recent Instagram post ni Marlon tungkol sa kanyang bagong endorsement ay nag-comment dito ang Miss Universe 2015.

Sabi ni Marlon sa kanyang post: “Who wants to have breakfast with me?”

Sagot ni Pia sa comment section: “Meee.”


Continue reading below ↓

Sumakay rin sa biruan ng magkasintahan ang nakababatang kapatid ni Pia na si Sarah Wurtzbach.

Biro ni Sarah kay Marlon, “We gotta talk about these endorsements you’re not telling me about.”


Wala namang sagot si Marlon sa magkapatid sa comments section.

Gayunpaman, maging ang ilang netizens ay nagko-comment sa social media posts ni Marlon tungkol sa isyu ng kanyang girlfriend at ni Gerald.

Continue reading below ↓

May ilang netizens na binabato ng akusasyon si Pia, pero meron ding mga nagtatanggol sa kanya.



Continue reading below ↓



Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In Marlon Stockinger's recent Instagram post, he asked who wants to have breakfast with him. His girlfriend Pia Wurtzbach playfully responded with "Meee."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results