Dennis Trillo on marrying Jennylyn Mercado: "Isa yun sa mga plano namin."

IMAGE Noel Orsal

Dennis Trillo says he and and girlfriend Jennylyn Mercado talk about marriage but it is not happening anytime soon.


Sinabi ni Dennis Trillo na plano nila ng girlfriend na si Jennylyn Mercado na magbakasyon ngayong Holy Week para magkaroon ng bonding time.

Nakagawian daw ni Dennis na sa tuwing Mahal na Araw ay kasama ang mga mahal niya sa buhay.

“Dati lumalabas kami ng pamilya, kung saan-saan [pumupunta], basta ang importante magkakasama lang kami,” pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Balak daw nilang magpunta sa beach ngayong Semana Santa para mas tahimik.

Biniro ng PEP si Dennis kung ayaw pa ba nilang magpakasal ni Jennylyn, lalo’t hindi na sila bumabata.

Si Dennis ay 36-anyos, habang si Jennylyn namay ay 30.

Mayroon na rin silang kani-kanilang anak mula sa kanilang previous relationships.

“Marami kaming mga plano. Isa yun sa mga plano namin, pero hindi pa yun yung pina-prioritize namin,” sagot ni Dennis.

Pero tiniyak niyang napag-uusapan ang kasal sa pagitan nila ni Jennylyn.

Sa kasalukuyan ay abala ang aktor sa kanyang Kapuso prime time series na The One That Got Away at isang upcoming concert sa abroad ngayong Abril.

Pero sa kabila ng busy schedule, sinabi ni Dennis na lagi siyang humahanap ng oras upang magkaroon ng pahinga.

“Kailangan hanapan mo pa rin ng time ang sarili mo, kasi yun yung pambawi mo.

"Dun ka makaka-recharge para magtrabaho ulit sa panibagong araw.

“Para sa akin, importante yung time sa sarili, mag-spend ka ng time para sa mga mahal sa buhay parang pangbalanse sa sarili mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN