Nakapukaw ng pansin sa netizens ang cryptic post ng Kapuso young actress na si Gabbi Garcia nitong Biyernes ng gabi, March 30.
Sabi ni Gabbi sa kanyang tweet: "how 2 make the right decision"
how 2 make the right decision
— Gabbi Garcia (@_gabbigarcia) March 30, 2018
Sa paraan ng kanyang pagkakasulat, kung saan ginamit niya ang numerong "2" sa halip na salitang "to," tila may ipinapahiwatig ang 19-year-old actress.
Tanong ng ilan niyang followers sa Twitter: lilipat na ba si Gabbi sa ABS-CBN?
Lalo pa't namatay na ang karakter na ginagampanan niya bilang Lily Pelaez sa GMA-7 prime-time series na Sherlock Jr.
Ito ay sa kabila ng siya ang leading lady ng bida at ka-love team niyang si Ruru Madrid.
Narito ang ilan sa mga komento ng followers ni Gabbi sa Twitter:
Lilipat ka na ba?naku kung true eh sayang naman ginugroom ka pa namn ng gma para maging next big thing/star nila.but anyway just follow ur heart kung san ka magiging masaya.pero sana stay ka pa rin kung san ka nag umpisa at nahasa.
— Minerva Thompson (@butrscotch) March 30, 2018
ok now it make sense. You are going to transfer network at channel 2 right?
— KC (@Stellalona01) March 30, 2018
Lilipat sya ng network? 2? Right decision?
— jan (@lxndrLO) March 30, 2018
Wag naman sanang lumipat ng network ???? @_gabbigarcia
— Dianne Villanueva (@dadapotx) March 30, 2018
Omgggg im nervous and a little bit of curious of you asking how to make a right decision coz i smell something fishy here ate gab ???? i hope my feeling is wrong...
— girlinpink (@anastesiagray) March 30, 2018
@_gabbigarcia you have to think wisely. Consider both the negative and positive effects of your decision. But whatever is on your mind, I hope for your genuine happiness.
— K™ (@lady_mackie) March 30, 2018
You weigh all the options, all the advantages and disadvantages per option. Choose the option that has advantages that are worth the disadvantages.????
— natasha marie @nt (@grty_marie) March 30, 2018
Hindi rin lingid sa kaalaman ng marami ang pagiging malapit na kaibigan ni Gabbi sa ilang Kapamilya stars, kabilang na si Julia Barretto.
Bukod sa Sherlock Jr., ang isa pang regular show ni Gabbi sa GMA-7 ay ang weekly comedy-variety show na Sunday PinaSaya.
May online show rin siya, ang Hashtag Goals.
Si Gabbi ay naging bahagi ng Kapuso network mula noong 2014.
Ilan sa mga programang nilabasan niya ay ang mga sumusunod: My Destiny (2014), InstaDad (2015), Let The Love Begin (2015), Naku, Boss Ko! (2016), at Encantadia (2016-2017) kung saan gumanap siya bilang isa sa mga Sang'gre.
Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Gabbi tungkol sa isyung ito.