Liza Soberano's viral video draws mixed reactions from netizens

IMAGE Instagram photo of Liza Soberano

"Nakaka-sad lang na may mg taong gagawa at gagawa ng paraan para siraan ang kapwa nila," a fan of Liza Soberano said about her viral video.


Umani ng sari-saring reaksiyon ang viral video ni Liza Soberano kung saan diumano'y nagmura siya.

Naging usap-usapan sa social media ang five-second video ng 20-year-old actress na magbibigay sana ng isang birthday greeting.

Ngunit tila may nanggulo sa kanya kaya napalingon siya at nagmura.

Hati ang opinyon ng mga netizen na nakakita ng naturang video.

May ilang ikinumpara ang video na ito sa maraming pagkakataong nagmura si Presidente Rodrigo Duterte.

Kaugnay nito, may ilang kumuwestiyong sa positibong tingin kay Liza sa viral video.

May ilan namang nagsabing walang masama sa video ni Liza, katulad na lamang ng singer na si Jed Madela.

Maraming fans ang agad na dumepensa sa Bagani star at sinabing edited ang video.

Sa halip na mura, ang sinabi raw ni Liza ay “ang ingay mo.”

Wala pang anumang pahayag si Liza tungkol sa isyung ito.

Humingi rin ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag mula sa manager niyang si Ogie Diaz tungkol sa isyu, ngunit wala pa itong sagot.

Bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag na nais iparating ng kampo ni Liza tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN