Paolo Ballesteros on coming out: "Ikaw ang magbubukas ng sarili mong 'closet,' hindi ibang tao."

IMAGE Noel Orsal

Paolo Ballesteros on coming out: "Ang paglaladlad, personal choice 'yan, hindi yun maididikta ng kahit sino, lalo na ng society na ginagalawan mo."


Ayon sa Eat Bulaga! host na si Paolo Ballesteros, walang sinuman ang dapat pumilit sa isang tao kung kailan nito gustong “magladlad.”

“Ang paglaladlad, personal choice ‘yan, hindi yun maididikta ng kahit sino, lalo na ng society na ginagalawan mo.

“Just take your time, kahit mga 100 years pa ‘yan, ikaw ang bahala.

"Kasi ikaw ang magbubukas ng sarili mong ‘closet’, hindi ibang tao," pahayag ni Paolo.

Hindi man direktang inaamin pa ni Paolo ang tungkol sa kanyang sexual orientation sa interviews, inamin niya tungkol sa kanyang same-sex relationship noong 2017.

Kilala rin siya sa pagganap ng gay at transgender roles sa pelikula at telebisyon.


Stories We Are Tracking

Paolo Ballesteros shows face of rumored boyfriend on IG
Paolo Ballesteros shows face of rumored boyfriend on IG
Paolo Ballesteros gives hints about breakup with boyfriend
Paolo Ballesteros gives hints about breakup with boyfriend

Mababasa ang post na ito ni Paolo sa blog na sinimulan ng kanyang “Juan For All, All For Juan” co-host na si Maine Mendoza, ang Humans of Barangay.

WALLY AND JOSE. Bukod kay Paolo, nagbahagi rin ng post ang dalawa pang hosts ng Eat Bulaga! segment na sina Jose Manalo at Wally Bayola.

Tungkol sa pagdedesisyon sa buhay at tamang ugali ang post ni Jose.

Aniya, “Huwag maging mapusok ang kabataan.

"Pag-isipan lahat ng bagay lalo na mga desisyon sa buhay. Huwag sugod nang sugod!

“Kasi may mga desisyon tayong akala natin ay tama, pero sa dulo lang natin malalaman na mali pala.

"At laging tandaan… sa buhay, tatlong A lang ‘yan: Ambisyon, Abilidad, Agrikultura. Hindi, Aksyon! Aksyon!”

Tungkol naman sa buhay-komedyante ang post ni Wally.

Saad niya, “Best thing bilang komedyante yung saya, kumbaga nakakapagpasaya ka ng tao. Magaan yun para sa akin.

“Yun nga lang, minsan, kahit seryoso ka na, hindi ka pa din sineseryoso ng mga tao… kasi nga komedyante ka.”

HUMANS OF BARANGAY. Inanunsiyo ni Maine ang proyekto niyang "Humans of Barangay" nitong Lunes, April 2.

Sa isang Twitter post kahapon, ipinaliwanag ni Maine na hango ito sa Humans of New York, isang photo at story blog ng iba't ibang taong naninirahan sa New York tungkol sa kanilang mga karanasan sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pamamagitan ng blog, layon ni Maine na ibahagi ang istorya ng mga taong nakakasalamuha niya sa “Juan For All, All For Juan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN