Kakai Bautista names Maja, Kim, Maine, Alden, Maymay as her closest friends in showbiz

IMAGE Instagram

Kakai Bautista (center) is close to big stars from rival networks. She is friends with Kapamilya stars Maja Salvador (right photo), Maymay Entrata, and Kim Chiu. She is also close to Kapuso stars Maine Mendoza (left photo) and Alden Richards.  


Masuwerte raw si Kakai Bautista dahil kaibigan niya ang ilan sa malalaking artista mula sa magkaribal na networks—ang ABS-CBN at GMA-7. 

Close ang singer-actress sa Kapamilya stars na sina Maja Salvador, Kim Chiu, at Maymay Entrata.

Itinuturing din niyang malapit na kaibigan sina Alden Richards at Maine Mendoza, na mula naman sa Kapuso network.

Ayon kay Kakai, “Yun nga yung masaya dun, nakakatawid-tawid ako kahit papano.

“Siguro reward ko yun as an artist, yung love na nakukuha ko sa kabila, ganun din yung love na nakukuha ko from friends ko from ABS, from TV5, from GMA… ayun, saya.

“Kasi, sa totoong buhay naman, ganun naman talaga, di ba?

"Network rivalry lang, pero pag nagsama-sama, ganun din naman, tao din naman na nag-uusap, di ba?

"Thankful ako sa ganun."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kakai sa Summit Media office, Mandaluyong City, noong March 19.

CLOSEST FRIEND IN SHOWBIZ. Pinaka-close daw si Kakai kay Maja Salvador, na isang dekada na niyang kaibigan.

Lahad niya, “Si Maja talaga, siya na lang ang best friend ko sa show business.

"Kasi konti na lang yung best friend ko out of showbiz and [in] show business, magte-ten years na nga kami.

"Anniversary na nga namin this year."

Paano siya nagiging close sa mga kapwa niya artista?

Tugon ni Kakai, “Siguro dahil totoo lang ako.

“Tsaka in fairness sa lahat ng nakakasama ko, nakikita ko rin yung totoo sa kanila, like Maine, like Kim.

“Si Kim, matagal ko na din [kaibigan].

“Si Maine, pag nagkikita kami, parang magkasama lang kami kahapon, parang ganun.”

Patuloy niya, “Si Maymay din, napakatotoo ng taong yun, kaya pag nagsama kami, parang wala lang.

"Ang saya lang namin lagi. Kahit may seryoso, masaya, ganun lang."

Ang pagiging totoo raw nila sa isa't isa ang common denominator nilang magkakaibigan.

“Kasi nakikita yung totoo. Parang, yun siya, e, si Maine siya, e. Si Kim, si Kim siya, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Kakai, “Nasa sa ‘yo din yun, e, kung ano ang tinatapon mo na vibes sa tao...

“Kasi kung etchoserang palaka ka naman, kung pangit yung vibes na pinaparamdam mo…

“Ako kasi, pag mainit talaga ang ulo ko, sinasabi ko talaga, pag inis ako o something.

"Hindi ko talaga kayang mag-mask."

May mga pagkakataong nadadamay si Kakai sa mga isyung kinasasangkutan ng kanyang showbiz friends, pero hindi na raw siya apektado.

Aniya, “Wala na, tapos na kami sa stage na ganun.

"Napagod na ako sa mga etchoserang palaka.

“Kahit anong gawin mo, anong sabihin mo, ganun pa rin.

“Might as well, dedmahin mo na lang.

“Pag inis na inis ka na, i-block mo.”

Gaganapin ang 15th anniversary concert ni Kakai, ang KXV, sa Music Museum sa Biyernes, April 6.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN