Jenine Desiderio clarifies rift with daughter Janella Salvador not about parenting style

IMAGE Courtesy: Jenine Desiderio on Facebook / Noel Orsal

Pinabulaanan ni Jenine Desiderio na bitter siya sa kanyang anak na si Janella Salvador, kung kaya't hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkakaayos. Marami raw dahilan ang hidwaan nila at hindi ito tungkol sa kanyang pagiging ina sa kanyang anak. 


Nagpasaring muli ang singer-actress na si Jenine Desiderio sa kanyang anak na si Janella Salvador.

Sa kanyang pakikipagsagutan sa fans ng anak at sa ka-love team nitong si Elmo Magalona sa Instagram, sinabi ni Jenine na hindi tungkol sa pagpapalaki sa anak ang dahilan ng kanilang hidwaan.

May mas malalim pa raw itong dahilan.

Sa Instagram post ni Jenine kahapon, April 3, ibinahagi niya sa kanyang followers ang isang photo message na may ganitong nakasulat:

“Every problem is a gift. Without problems, we would not grow.”

Walang inilagay na caption dito si Jenine.

 

Ilang mga tagahanga ni Janella ang nagkomento sa kanyang post.

May ilang nagpayo kay Jenine na hayaan na lamang nito na lumigaya ang kanyang anak.

Dapat na rin daw silang magpakatawaran. 



Paliwanag naman ni Jenine sa isang nagkomento, inuunawa niya ang anak pero hindi niya alam kung inuunawa rin ba siya ni Janella.





MANY FACTORS. Ayon pa kay Jenine, ang problema nila ng anak ay maraming sanga-sangang dahilan. 

Hindi raw ito dahil sa kanyang paraan ng pagpapalaki kay Janella.

Diin niya, "The point/problem here is not parenting style as you all would like to think.

"You might think sobrang higpit kse kaya nagrebelde. No, that is not the case."





NOT DESTROYING THEM. May nakiusap naman kay Jenine na tigilan na nito ang kanyang mga patama kina Janella at Elmo dahil nakakasira raw ito sa imahe ng dalawa.

Tugon naman ni Jenine, "It's not me destroying them. It's what they do.

"No smoke if there's no fire."




May iba pang mga komentong sinagot si Jenine, kabilang na rito ang gusto lang daw niyang mapag-usapan, ang pagkikita ng anak at ama nitong si Juan Miguel Salvador, at ang tungkol sa US vacation nina Elmo at Janella. 





Sa huli, muling pinabulaanan ni Jenine na bitter siya sa kanyang anak. 


aaaa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN