Sharon Cuneta gets more love from family after her surgery

IMAGE Noel Orsal

Sharon Cuneta says husband Sen. Kiko Pangilinan has become "extra sweet" now that she's recovering from surgery.


Mas ramdaw daw ni Sharon Cuneta ang pagmamahal ng kanyang pamilya ngayong nagpapagaling siya mula sa kanyang operasyon upang tanggalin ang tumubong lipoma sa kanyang batok.

Sa kanyang Instagram post kahapon, April 4, ibinahagi ni Sharon sa kanyang followers kung paano siya napapaliguan ng pagmamahal ng kanyang pamilya—mula sa asawang si Senator Kiko Pangilinan hanggang sa kanyang mga anak na sina Frankie, Miel, at Miguel.

Nagsenti si Sharon sa kanyang kalagayan matapos siyang operahan.

Nagbalik-tanaw ang Megastar sa bakasyon nilang dalawa ni Kiko sa Tokyo, Japan kung saan niya naramdaman ang sweetness ng asawa.

“Before I go to sleep, just though I’d share with you a few things I love about my family. 

"When Kiko and I are are alone abroad (last time: Tokyo last January). When I wake up, you probably won’t be able to imagine my husband asking me, 'Sweetheart, you want coffee?'

"And because he knows what I want to say yes even if I answer 'Yes Dada, but later na lang it’s okay' – he’ll get up and make me a cup of coffee. 

"He’ll carry my bag when we go out."

Mas naging extra sweet daw si Kiko ngayong nagpapagaling siya mula sa kanyang operasyon.

Sabi ni Sharon, “I ‘Love’ being sick or recovering from surgery like now because he is extra sweet to me.”

Ang kanya naman daw tatlong anak, hindi lang kapag may karamdaman siya nagpaparamdam ng sweetness kundi kahit sa anumang araw o oras.

“My Miel naman will sometimes ask me even on a normal day, 'Mama, do you want me to put food on your plate for you?'

“Ang Miguel will ALWAYS as me, ‘Mama can I carry your laptop for you?’ And when I say thank you my love. He’ll still ask ‘Mama, is there anything I can do for you?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He also asks his Ate Kakie and Ate Yellie if there’s anything he can carry or do for them!

“My Kakie will always still text me anything – whether it’s kwento or just to say she loves and misses me.  Yellie too.”

Ayon pa kay Sharon, bago umalis ang asawa niya, pinangiliran siya ng luha sa mata nang yakapin niya ito.

Pinasalamatan daw niya ang asawa sa pagmamahal nito sa kanya at sa hindi nito pagpayag na mawala ito sa buhay niya.

“I feel SO BLESSED. I love being closed off from the rest of the world and just being with the people I love.

“This afternoon before Kiko left, I was teary-eyed when I hugged him (even as I tried finding the perfect non-ouchie position for my neck!) as I said ‘Thank you for loving me and not letting me go’”

Sa huling bahagi ng kanyang post, ipinagtanggol ng 52-year-old actress-singer si Kiko sa mga namimintas dito.

“Awwww... people say so many things about him, about us... but all I can do is wish them what I have everyday. 

"God bless us all. Goodnight again! Love you guys."

Hindi nabanggit ni Sharon ang panganay niyang si KC Concepcion dahil hiwalay ito ng tirahan at may sarli na ring buhay.

Please swipe left. ????

A post shared by Coach:TheVoice.phActorSinger (@reallysharoncuneta) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN