Ai-Ai delas Alas claps back at stranger commenting about her look

IMAGE Instagram photo of Ai-Ai delas Alas (left)

Ai-Ai delas Alas loses control at a stranger who commented about her look: "ATE HINDI KO NAMAN SINABING MAGANDA AKO AHHH ANG AGA AGA ANG IMPAKTA MO IKAW BA MAGANDA???"


Isang “nakakatawa at nakakainis” na istorya ang ibinahagi ni Ai-Ai delas Alas sa kanyang Instragram followers kahapon, April 4.

Ayon kay Ai-Ai, hindi niya napigilang pumatol sa isang “babaeng impakta” na pumuna sa kanyang hitsura.

Kuwento niya, “Papunta ako sa taping, paakyat ng elevator, may isang babaeng impakta (akala nya nakaakyat nako siguro sa elevator).

“Ateng hindi maganda: HINDI PALA MAGANDA SI AIAI NO ORDINARYO LANG.

“GUARD: Ano? (hindi nya maintindihan sinasabi ni ate)

“AIAI (bumalik sa pinto at kumain ng patola): ATE HINDI KO NAMAN SINABING MAGANDA AKO AHHH ANG AGA AGA ANG IMPAKTA MO IKAW BA MAGANDA???

“Hahhaa at kung ano ang kinatatayuan ni ate hindi na sya nag salita, lumingon, kumibo parang naging estatwa.”

Nang makaalis na si Ai-Ai, hindi pa rin daw nahinto ang usapan tungkol sa kanya.

“Sabi ng asst ko pagbaba nya ulit, yun padin ang topic...

“Hala sabi nung guard narinig ka ni ms aiai.

“Tapos nung nakita yung asst ko, umalis si ateng hindi din maganda hahahhaa...”

Sa huli, nagbigay pa ng paalala si Ai-Ai, “Moral lesson ng storya: WAG MAMINTAS KUNG D KA RIN LANG DIN MAGANDA TSE!”

Good morning .. may experience ako ngayun umaga na nakakatawa at nakakainis din .. papaunta ako sa taping , paakayat ng elevator may isang babaeng impakta ( akala nya naka akyat nako siguro sa elevator) Ateng hindi maganda : HINDI PALA MAGANDA SI AIAI NO ORDINARYO LANG GUARD : ano ? ( hindi nya maintindihan sinasabi ni ate ) AIAI ( bumalik sa pinto at kumain ng patola) ATE HINDI KO NAMAN SINABING MAGANDA AKO AHHH ANG AGA AGA ANG IMPAKTA MO IKAW BA MAGANDA??? hahhaa at kung ano ang kinatatayuan ni ate hindi na sya nag salita , lumingon , kumibo parang naging estatwa , sabi ng asst ko pag baba nya ulit yun padin ang topic ..hala sabi nung guard narinig ka ni ms aiai , tapos nung nakita yung asst ko umalis si ateng hindi din maganda hahahhaa .. moral lesson ng storya : WAG MAMINTAS KUNG D KA RIN LANG DIN MAGANDA TSE!

A post shared by Martina Eileen D.A. SIBAYAN (@msaiaidelasalas) on

Sa comments, may ilang followers na nagsabi kay Ai-Ai na huwag na lang pansinin ang mga taong may ganitong komento sa kanya.

Sa kanyang sagot, tila nairita lang talaga ang comedy actress kaya niya ito pinatulan.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN