Model Clint Bondad reveals reason why Catriona Gray is a "perfect girlfriend"

IMAGE Instagram (@clintbondad)

Model Clint Bondad shares a candid photo of girlfriend Catriona Gray on Instagram to prove that she is the "perfect girlfriend."


Para sa modelong si Clint Bondad, “perfect girlfriend” si Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray.

Limang taon nang magkarelasyon sina Catriona at Clint.

Sa kanyang Instagram noong April 2, nag-post si Clint ng larawan ng natutulog na girlfriend habang nakayakap sa ama nito sa loob ng eroplano.

“That's how you know you got the perfect girlfriend,” simula ni Clint sa kanyang comment.

Kinunan daw niya ang larawan galing sa kanilang bakasyon sa Bohol.

Patuloy ng modelo, “I [am] not sure why this picture makes me so happy.

"It speaks more than a thousand words and I just had to take a picture of this moment with Ian (super proud dad) and her.”

Ang pagmamahal daw ni Catriona sa mga magulang ay isa sa mga dahilan kung bakit mahal niya ang girlfriend.

“She loves her parents. One of the things I value most about her.

"It shows so much about a person’s personality or past.

“And this specifically is also why my mum loves her so much too haha.”

Hindi rin daw kataka-taka kung bakit marami ang nahuhumaling kay Catriona kapag nakikilala at napapalapit sila sa kanya.

“It’s no coincidence that everyone who gets close to her just falls in love with her...”

A post shared by Clint Bondad (@clintbondad) on

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN