Michael V. refuses to be called an icon: "Ang layo pa, ang dami ko pang gagawin."

by Nerisa Almo
Apr 6, 2018
Until when is Michael V. staying in showbiz? He answers, "Hangga't tinatangkilik ka ng audience or hanggang mayroon akong idea na feeling ko hindi pa nagagawa, tuluy-tuloy lang 'to."

Natawa si Michael V. nang tawagin siyang "icon" ng ilang reporters sa isang panayam kamakailan.

Para sa itinuturing na comedy genius ng GMA Network, malayo pa siya sa ganitong estado sa industriya ng show business.

Sabi ni Michael V., na kilala rin sa pangalang Bitoy, “Hindi pa, ang layo pa, ang dami ko pang gagawin.

"Well, salamat if you're saying that, thank you.”

Patuloy niya, “Pero for me, na-scratch pa lang natin yung surface.

“Hindi pa natin narating yung narating ng mga totoong icons.

“Like, Dolphy... ngayon yung mga living icons natin, sina Regine Velasquez, Robin Padilla, Tito [Sotto], Vic [Sotto], and Joey [de Leon]...”

Para kay Bitoy, marami pa siyang maaaring ibahagi sa industriya, hindi lamang sa pagiging comedy actor.

“More entertainment, I guess, iba-ibang forms, something na hindi pa nagawa ng mga icons natin.

“Hindi ko pa alam kung ano pa yun specifically.

“Pero sinisimulan natin, like itong vlogging, hindi pa nagagawa ng mga [icon], kasi wala pang internet. Ha-ha!”

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Bagamat mahigit dalawang dekada na si Bitoy sa showbiz, wala pa rin daw siyang planong magretiro.

Patunay nito ang muli niyang pagpirma ng kontrata sa GMA Network noong Miyerkules, April 4.

Sa kasalukuyan, may tatlong showd si Michael V. sa Kapuso network: Bubble Gang, Pepito Manaloto, at Lip Sync Battle Philippines.

“Hangga't tinatangkilik ka ng audience or hanggang mayroon akong idea na feeling ko hindi pa nagagawa, tuluy-tuloy lang 'to,” pagtatapos ni Bitoy.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Until when is Michael V. staying in showbiz? He answers, "Hangga't tinatangkilik ka ng audience or hanggang mayroon akong idea na feeling ko hindi pa nagagawa, tuluy-tuloy lang 'to."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results