Are John Lloyd Cruz and Ellen Adarna expecting a baby girl?

IMAGE Instagram

John Lloyd Cruz posts photo of a playpen on Instagram and put "guada" as caption, which started speculations that he and girlfriend Ellen Adarna might be expecting a baby girl.


Ito ba ang playpen ng magiging anak nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna?

Sa Instagram account ng aktor (@ekomsi) nitong Sabado ng madaling-araw, April 7, nag-post siya ng isang larawan kung saan kapansin-pansin ang kalahating bahagi ng isang playpen.

Ang baby furniture na may kulay brown, peach, green, at orange ay nasa tabi ng hagdanan.

Makikita naman sa may hagdanan ang isang desktop computer at hard drive.

Ang simpleng caption ni John Lloyd sa larawan ay “guada.”

Maaaring isiping ang "guada" ay tumutukoy sa pangalan ng isang babae.

Kaya ang tanong: posible kayang ito ay gender reveal ng anak nina John Lloyd at Ellen?

guada

A post shared by portal,library (@ekomsi) on

Ilang linggo mula ngayon ay magsisilang na ang sexy star sa anak nila ng aktor.

Ngunit wala pa ring direktang pag-amin ang showbiz couple sa tunay na kalagayan ng aktres, subalit kapansin-pansin na ang baby bump ni Ellen sa mga lumabas na videos at photos sa social media.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN