Luis Manzano teases netizen about proposing to Jessy Mendiola: "What if tapos na?"

IMAGE Instagram

Luis Manzano responds to netizen who asked when he will propose to Jessy Mendiola: "What if tapos na?"


Nagbiro si Luis Manzano tungkol sa pagpu-propose sa kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola.

Kamakalawa ay nag-post sa Instagram ang 36-anyos na Kapamilya TV host-actor ng picture nila ng girlfriend habang nasa swimming pool.

Tanong ng isang netizen, na posibleng kaibigan ni Luis: "Kelan ang proposal?"

Sagot ni Luis: “what if tapos na? :) hahahahahaha”


Sabi ng netizen, magtatampo ito kapag ginawa iyon ni Luis.

Sabi naman ni Luis, titiyakin niyang nandoon ang kakilala kapag nag-propose siya.

BASHER. Samantala, isang basher ang sinagot ni Luis dahil sa isang hindi magandang comment.


Komento ng basher: “Til wen ang tamis...”

Buwelta ni Luis: “Pag nawala na yung profile mo tungkol sa Diyos pero nagkakalat ng ka negahan.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN